Absent Na Naman: I Should Have Been Informed!

Napanood ko mga ilang araw na ang nakakalipas ang balita tungkol sa isang lalaking lumutang ang kotse sa baha. Nang tanungin ng reporter, nag-asim si kuya at kung sinu-sino ang sinisi.

Ang yabang naman nito, naisip ko. Pagkatapos noon ay nakalimutan ko na ang insidenteng iyon.

Ngunit marami sa ating mga kababayan ang hindi nakalimot. Nabalitaan ko na lamang na isa na palang internet sensation si kuya (hindi ko na babanggitin ang pangalan niya dahil alam kong kilala mo na siya). Mayroon pang mga gumawa ng Facebook pages para sa kanya. Hanep talaga! Sa sobrang laki ng atensyong nakuha ni kuya, pati GMA 7 (na nagpalabas ng balitang ito) ay nanawagan na itigil na ang tinawag nilang cyber bullying.

Well, marami na ang naisulat sa kanya kaya hindi na ako dadagdag pa. Tutal, nag apologize na naman siya sa kanyang ginawa at mga sinabi. At sigurado, may malaking leksyon na natutunan si kuya.

Ako din tuloy ay napaisip. Pwede kayang gamitin ang nangyari kay kuya bilang rason kapag aabsent dahil tinatamad? Este… ang ibig kong sabihin ay bakit kaya ang mga Pilipino ay mahilig manisi at magpasa ng responsibilidad sa iba. Nasa kultura na ba natin ito? Nasa genes na ba natin ito?

Mapapanood mo sa mga senate investigation na lahat ng mga taong inanyayahang upang gisahin ay nagsasabing wala silang nalalaman. Iba ang may kasalanan, hindi sila. Parang yung nangyaring hostage taking sa Quirino Grandstand. Nung matuklasang may VIP treatment sa Bilibid. Ang anomalya sa PCSO. Sa lahat ng mga ito, ang mga sangkot ay nagmalinis, nagturuan, at nagsisihan. Lahat sila ay walang kasalanan.

Siguro kung may time machine tayo at bumalik tayo sa panahon ng mga Datu, baka makita natin na noon pa man ay ganito na ang kalakaran ng mga Pinoy. Sisihan dito, sisihan diyan. Kaya nga siguro kasama na sa bokabolaryo natin ang mga katagang “Labas ako diyan” at Wala kong alam diyan.”

Inaamin ko na ako din naman ay ganoon. Kaya nga bigla akong napaisip, sadya bang ganito talaga ang mga Pilipino? Kelan kaya natin maririnig ang mga salitang “Ako po ang may kasalanan?” May pag-asa pa kaya tayong magbago?

Siguro walang ibang taong makakasagot nito para sa akin. Tanging ako lamang ang makakahanap ng sagot.

10 thoughts on “Absent Na Naman: I Should Have Been Informed!

  1. Well said, Martin! Alam kong stupid ang ginawa ni Kuya pero ‘wag naman nating i-cyberbully. Para namang tayo saksakan ng talino. I really felt sorry for the dude.

    And yes, ang hilig nga natin sa sisihan. Lourd de Veyra has a WOTL Episode for that. It’s always someone else’s fault, isn’t it?

  2. Hahaha! Instant celebrity talaga siya MartinTC kasi naman eh nag-alasubmarine car niya. Anyway, tagal na since huling comment ko sa blog mo, ngaun balik na ako pagbloblog di na ako haitus. Hope to read more of your posts.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s