Masyadong Busy sa Pangangarap

Hay buhay nga naman. Napakabilis ng buhay tumigil ka lamang ng konti sigurado maiiwan ka. Kaya kailangan magsakripisyo. At eto nga ang isa sa mga napilitan kong bitiwan, ang aking mahal na blog (patawad blog). Napakarami kasing ibinato ang kapalaran sa akin, ang hirap nilang i-juggle ng sabay-sabay. Dinagdagan ko pa ng kung anu-anong bagay na gusto kong gawin at maabot.

Sa hirap ng buhay, hindi naman siguro masamang mangarap yumaman. Meron akong ilang mga projects na binalak at sinimulan, umaasang magdadala ito ng limpak-limpak na salapi. Huwag kayong mag-alala, legal naman silang lahat. Sa dami ng pinasok at sinimulan ko, ayun walang nangyari sa kanilang lahat. Nag-isip-isip nga ako at sinabi sa sarili na itigil na muna ang mga ito at wala namang nangyayari. Ibaling na lang ang pansin sa ibang produktibong bagay.

Naisip ko ring sumulat ng isang libro, yung mala-Bob Ong ba. Ay naku, ang hirap pala. Nakasulat ako ng ilang chapters pero nakatiwangwang na lang ngayon. Masaya sana kaso natuklasan kong hindi ako makasulat kapag wala ako sa mood. Kaya heto, stop din muna. Siguro maitutuloy ko rin yun pagdating ng panahon at sana ay mai-publish naman. Kung hindi, ipopost ko na lang dito. Hehehe!

Sinubukan ko rin gumawa ng isang graphic novel. Gusto ko yung horror na may halong sci-fi. Bumili pa ako ng sketchbook, mga lapis, at sign pen. Naubos na yung tinta ng sign pen wala pa akong natatapos. Hay!

Gusto ko na ding pumayat. Tuwing magtitimbang ako lagi akong napapasimangot. Sinubukan kong magjogging kaso masakit sa paa, nahirapan yata sa bigat ko. Diet din, oatmeal sa umaga, oatmeal sa gabi. Gumawa pa ako ng diary ng timbang ko. Kaso mahirap talaga sundin ang isang diet at workout routine. Minsan tuloy hindi nasusunod.

Wala pa diyan yung mga regular na ginagawa ko tulad bilang isang empleyado, asawa, ama, anak, kapatid at marami pang iba. Talagang kulang ang 24 oras.

Isa pang dahilan kung bakit hindi na ako nakakapagblog ay nalipat kasi ako ng department. May bago kaming account at isa ako sa mga nagvolunteer para dito. Ngayon, email support na ako. Wala ng calls! YEHEY! Sipag na lang sa pagta-type dahil ang queue namin ay nasa 200+.

Anyways, itinigil ko na muna yung mga side projects ko at napagdesisyunang buhayin ang blog na ito. Salamat sa mga taong patuloy na bumibisita at nagcocomment dito. Isa kayo sa mga dahilan kung bakit nais kong maging aktibo ulit itong blog ko. Muli, maraming maraming salamat!

Gaya ng bagong header ng blog ko, hindi na limitado sa call center ang itatampok ko dito. Kasama na din ang mga bagay na nangyayari sa labas ng opisina. Samahan niyo sana akong muli sa paglalakbay na ito.

Okay! Tama na ang pagiging seryoso! Simulan na ang kalokohan!

6 thoughts on “Masyadong Busy sa Pangangarap

  1. Nakakagalak naman na makitang magpost kayo uli😛

    Matagal na akong lurker nitong blog nyo, lalo na nung TSR pa ako, kaya keyreleyt ako sa mga sinusulat at ginuguhit mo. Madami din akong pangarap, kaya huminto muna ako sa pagko-call center, para pagtuunan ng pansin ang sining–na narealize ko na gusto ko pala kelan lang (siguro dahil nalosyang ako sa calls kaya kung anu ano na iniisip ko). Pero ayoko din magsalita nang tapos na di na ako babalik sa CC.

    Congrats sa non voice na trabaho haha…yan din hahanapin ko kahit grabe ang queue, if ever na babalik ako sa pag-e-agent. Sana makamit mo din pangarap mo ahehe. Bow.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s