Holy Week Na Naman!

Holy Week na naman. Ang mga Pilipino ay muli na namang magninilay-nilay, gugunitain ang buhay at kamatayan ni Kristo, at pag-iisipan ang mga bagay-bagay na espirituwal.

That was 20 years ago.

Ngayon, kapag Holy Week, nagkukumahog ang lahat para sa mga bakasyon, reunion, party, at kung anu-ano pa. Hindi ako Katoliko ngunit bahagya akong naiinis sa mga taong walang iniisip kundi bakasyon kapag Holy Week. Para bang may mali.

Noong bata pa ako, kapag Holy Week, sa bahay lang. Walang palabas sa TV kundi ‘yung pelikula tungkol kay Hesus kung saan hindi ipinapakita ang mukha niya. Lagi lang siyang nakatalikod (sa opinyon ko ay ‘yun ang pinakamagandang pelikula tungkol sa buhay ni Hesus). Bawal magsaya. Bawal kumanta. Bawal ang alkohol. Bawal, bawal, bawal. Pati mga kapitbahay mo ganun din. May mga nagpapabasa pa.

Pero iba na ngayon. Naalala ko nga last year, ininterview ang isang artista sa TV kung paano niya ini-spend ang Holy Week. Ang sagot niya, “Wala lang. Solemn lang. Nag-snorkling lang sa Boracay.” Yun naman pala. Solemn naman pala, eh.

Anyways, sabi ko nga hindi ako Katoliko at hindi rin naman ako nag-oobserve ng Holy Week. Kaya’t mabuti pang hayaan ko na lamang ang mga taong gawin ang gusto nila. Sabi nga, kung saan ka masaya, suportahan taka.

O sige, mauna na ako. Baka ma-late pa ako sa flight ko papuntang Caticlan.

7 thoughts on “Holy Week Na Naman!

  1. hah! yan ang pinagmamalaki nilang pananampalataya sa diyos. I don’t believe in anything I haven’t seen pero sa tingin ko, kung may sinasamapalatayaan sila e dapat lang na ipakita nila ang tama ayon sa panahon o okasyon o might as well be like me nalang.just being honest here.

  2. Nice komiks!! Umm. pwede ba ako humiram ng mga komiks mo dito? share ko lang sa mga friends ko sa Facebook.. I’m sure karamihan sa kanila makakarelate dito sa mga posts mo.

  3. Im a catholic and though I hate holy week since i really find it boring (kasi ngawalang magandang palabas sa tv, ang telenovela kong inaabangan ay magreresume pa next week, walang mall, bawal kumain ng karne, dati pa nga nung kabataan ko pa at radyo lang pinapakinggan namin, puro static noises lang maririnig mo for the last three days of the week) I still observe holy week like the way it should be.. Sa bahay lang and I contemplate on my life for the past several years. Never did i went on an out of town vacation. Kahit may office pa nga at dapat pumasok, nagpasa talaga ako ng leave form a month ago para makapag nilay nilay kahit na lang sa holy thursday till black saturday. Di kasi uso ang holy week sa industry. Yup.. sa bpo din ako pero im working on finance and accounting. Haizzz.. Ang mga tao nga sa ngayon. 

    Nga pala, im from the visayas.. and im sorry but i want to correct your “taka”. It should be two in words. Sa ilonggo kasi, “ta” is another way of saying “ko” and the word “ka” ay “ikaw”. Another way of saying “ko ikaw” in tagalog is “kita”. Kaya kung we say it in tagalog way, magging ganito yun: “kung saan ka masaya, susuportahan kita”.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s