Twitter? Nakakain Ba Yun?

Ha? Ano kamo? Hoy hindi ako nagda-drugs ah!

Ha? Twitter? Akala ko…

Teka, ano ba yang twitter na yan? Wala ba yang kaugnayan kay tweety bird? O kay Tweety de Leon kaya?

Hay, ang bilis talaga ng teknolohiya. Noon website lang. Tapos may mga blog. Tapos mayroon ng Social Networking Sites. Tapos may twitter na!

A year ago, na-engganyo akong magblog dahil wala rin naman akong ibang mapagkaabalahan. Hindi pa ako mahilig mag-Facebook noon at mag-Backyard Monster kaya sayang naman ang binabayaran namin sa Internet. Kaya’t ng matuklasan ang pag-ba-blog, talaga namang natuwa at na-enjoy ko itong mabuti. Ngunit ngayon, lagi ng laman ng mga balita ang Twitter. Na-curious tuloy ako. Masubukan nga rin!

Isa sa mga una kong natuklasan ay kailangan lagi kang may dalang cellphone. Para anytime, anywhere pwede kang mag “tweet”. Naisip ko ang gastos naman. Pero sige, try ko lang naman. Pag-naubusan ako ng pera sa pag-twe-tweet, titigil na ako. Parang drugs lang yan. O kaya sugal.

Kaya gusto ko sana kayong imbitahan sa aking bagong Twitter account, @BuhayCallCenter. Pwede niyong basahin ang aking mga walang kakwenta-kwentang tweets pag wala kayong magawa.

Maraming salamat po!

2 thoughts on “Twitter? Nakakain Ba Yun?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s