Ang Blog kong Napabayaan..

Hay, ang hirap talagang pagsabayin ng buhay pamilya, trabaho, mga kung anu-anong projects (na sana ay mapagkakitaan), paglalaro ng Backyard Monster, at blogging. Kadalasan tuloy, napapabayaan ko ang isa sa mga ito.

Usually na nga, ay ang kawawa kong blog.

Minsan, pagka-galing sa office, gusto kong magdrawing at magpost. Siyempre check muna Facebook. Nakanampucha! May um-attack sa Backyard ko! Hindi maaari ito. Kailangang gumanti. Gawa ng Pokey. Gawa ng Eye-ra. Gawa ng Ichi. Upgrade. Upgrade. Baguhin ang lay-out ng backyard. Tapos, makikipag-chat yung classmate ko nung highschool. Nangangamusta tungkol sa nalalapit naming reunion. Check kung may bagong episode ng naruto (anime at manga).

Pag tingin ko sa orasan. Tatlong oras na ang lumipas. Inaantok na ako. May pasok pa mamaya. Tapos magigising na rin anak ko. Papasok pa sa iskul (buti bakasyon ngayon). Yung ipopost ko sana sa blog, nalimutan ko na.

Hay, pasensya na blog ha. Enjoy ko pa naman kapag kaharap kita! Sensya na rin sa mga taong nag-aabala na bumisita dito at basahin ang mga kalokohang ginagawa ko. Talagang kakaibang experience ang blogging, lalo na kapag nakaka-interact mo ang mga visitors. Ganun din naman kapag nababasa ko ang iba’t ibang mga blog ng mga tao. Mga ka-blog ba. Makikita mo at malalaman ang mga iniisip at opinyon nila.

Ayokong mangako pero pagbubutihin ko para hindi naman mapawalang-saysay ang blog na ito. Gusto ko rin atang manalo ng Blog Award tulad ni ka-blog na si citybuoy! Hehehe!

Anyways, maraming maraming salamat sa mga taong palaging bumibisita sa aking blog. Salamat sa mga matiyagang nag-cocomment. At salamat sa mga taong naliligaw at natutuwa sa mga pinopost ko dito!

Mga bloggers, mabuhay tayong lahat!

5 thoughts on “Ang Blog kong Napabayaan..

  1. tol noh ka ba ganyan talaga hehehe…pareho lang tayo ng pinagdadaanan..estudyante sa umaga..callboy sa gabi (callboy eh noh?hahaha)
    anyway i’m happy kasi nakakarelate ako sa mga blogposts mo (idol kaya kita)
    basta aryah!!! magpakatotoo ka (baker king ito? panis na tokwa?hahaha)
    basta full support kami sa blog mo tol!!! keep up the goodwork!!!!

    enge ako number mo..invite kita for a night out if you’re not bz..eto sa akin 09168842126…wait ko text mo kapatid…see yah

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s