Happy 100th International Women’s Day

Ang dami na talagang mga accomplishments ng ating mga kababaihan. Dati-rati, taong bahay lang sila, magpapalaki ng anak, maglilinis ng bahay, magluluto, at paliligayahin ang kanilang mga mister. Pero sa ngayon, lahat na ata ng ginagawa ng mga lalaki ay nagawa na ng mga babae. May mga babae ng doktor, engineer, at mga managers. May mga babae ng naging presidente ng isang bansa, mga senador, mayor, at kung anu-anong posisyon sa gobyerno. May mga babaeng basketball player, weightlifter, wrestler. May mga babaeng lider ng relihiyon at ng malalaking grupo. At siyempre meron ding mga babaeng nakapag-asawa ng kapwa nila babae.

Naalala ko tuloy ang isang article na nabasa ko dati. Hindi lang pala basta-basta ang pagiging isang tomboy. May mga subcategories pa pala ito. May butch, may femme, at may kung anu-ano pa. Napakakumplikado na talaga ng panahon ngayon. Naalala ko rin tuloy ang narinig kong usapan ng dalawang bading (di ko naman sinasadyang marinig sila):

“Hoy bakla, top ka ba o bottom?” tanong ng isa.

“Bottom ako, ate,” masayang sagot naman ng kausap.

Kung ano man ang ibig sabihin nila sa top o bottom ay ayoko ng imaginin pa.

Darating kaya ang panahon na magiging specific na ang detalye tungkol sa kasarian ng isa sa ating mga biodata/resume? Halimbawa, sa hinaharap kaya ay ganito na ang nakasulat sa resume/biodata:

Gender (Physical): Female

Gender (Emotional): Male

Subcategory: Butch

Meron nga ding biruan sa office namin, bakit wala na raw available na magagandang babae ngayon? Kasi, lahat daw ng magaganda, eh girlfriend na ng mga tomboy. Totoo naman hindi ba? Ang dami na sa ngayon ang mga magkarelasyon na parehong babae. At kung pagmamasdan mo sila, para bang napakalalim ng relasyon nila. Para bang super inlove at super serious talaga sila sa isa’t isa. At higit sa lahat, mukha silang masayang masaya.

Ano na ba talaga sa ngayon ang depinisyon ng pagiging isang babae? Hindi lang naman siguro ang kakayahan nilang magluwal ng sanggol ang tanging ibig sabihin ng pagiging babae? Sigurado mas malalim pa doon ang kahulugan nito. Ano sa tingin niyo?

Kung anuman iyon, isa lang ang sigurado ako. Saludo ako sa ating mga kababaihan. Napakarami nilang mga na-achieve at nagawa para sa ikabubuti ng ating mundo. Totoo na hindi mabubuhay ang kalalakihan kung wala ang kababaihan!

6 thoughts on “Happy 100th International Women’s Day

  1. i have a Sb [soft butch] gf and im the femme one, i love her, tama ibang iba na tlaga ngayon ang wish ko lang matanggap na ng mga tao ang gantong relasyon, because were happy and wala kaming tinatapakan tao.
    ❤ your blog

  2. Ntawa nman ako dun sa “paligayahin ang kanilang mga mister”.. Haha..tagabigay aliw ba?

    Advanced na nga mga kbabaihan ngayon cguro kc kelangan din tlga. Masyado ng fast paced ang mundo di kaya na mga lalaki lng nasa posisyon.

    Nice post, martin. Salute to all the wonderful women in the world. Sana ksama ako dun🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s