Mga Sira Ulong Kondoktor

Haaay! Pambihirang buhay talaga. Nasisigawan ka na nga ng mga caller mo, pati ba naman sa bus habang papauwi ka, sisigawan ka pa ng kondoktor! May sayad ata yung kondoktor ng bus na nasakyan ko.

P11 lang kasi ang pamasahe mula Makati hanggang Baclaran. Nagkataon namang bente lang ang barya ko. Nang iabot ko ang bayad ko, nanghingi si manong ng piso para sampu ang isusukli niya. Sabi ko, “Walang barya, eh.” Biglang umasim ang mukha ni manong, parang tinabunan ng lupa.

“Onse lang ang pamasahe! Bigyan mo ako ng piso!” sigaw ni manong. Gimbal ako sa sinabi ni manong. Parang umuusok pa ang ilong nito sa galit.

“Sabi na nga wala akong piso, eh!” ganti ko. Tapos tinalikuran ako ni manong, ayaw ako suklian. Nung bababa na ako, hiningi ko sa kanya sukli ko. Ayun, napilitan ding magsukli!

Hay, ewan ko ba sa mga kondoktor na ito.  Kala mo naman matatakasan nila ang pagsusukli. Para namang kapag hindi nila kaagad sinuklian ang isang pasahero ay makakalimutan na nitong mayroon siyang sukli. Kahit anong gawin nila, magsusukli at magsusukli din sila.

Naalala ko tuloy isang beses ng pauwi kami ng misis ko. Sumakay kami ng ordinary bus at ang pamasahe ay P17 isa. Nang lumapit ang kondoktor, inabot ko ang P50.

“Wala ba kayong barya?” galit na tanong ng kondoktor.

“Wala ho, eh”

“Wala akong isusukli diyan!” sigaw ni kuya sabay bato ng pera sa akin. Tama po ang nabasa niyo. Ibinato sa akin ang P50. Hindi po iniabot, o binitiwan. Ibinato sa akin.

Sa halip na magalit ay bigla na lang akong natawa. Ano ba problema ni kuya? Nagme-menopause na ata. Ang kinalabasan, hindi kami nagbayad!

Hindi ko naman kasalanan. Bilang pasahero, ang tungkulin ko ay magbayad ng tama. Bilang kondoktor, tungkulin nilang maningil at magsukli. Hindi na dapat pro-problemahin ng pasahero kung saan kukunin ng kondoktor ang isusukli sa kanila. Kung may barya naman, siyempre iyon ang ibabayad ko. Ayaw ko rin namang maghintay pa na suklian ako. Gusto ko pagkabayad, uupo na lang ako at wala ng aalalahanin pa.

Totoo, merong mga pasaway na nagbabayad ng buong pera na sobrang laki, samantalang malapit lang ang bababaan nila. Kung baga, nagpapapalit lang. Kapag ganoon ang kaso ay naiintindihan ko ang paghihimutok ng mga kondoktor. Pero huwag naman sana nilang iputok iyon sa ibang mga taong nagbabayad ng tama.

Sabi nila, ang mga Pilipino daw ang isa sa pinakamasayahing tao sa buong mundo. Palagay ko, isang malaking kasinungalingan iyon. Pumunta ka lang sa SSS, sa Munisipyo, o kahit saang ahensya ng gobyerno, malalaman mong hindi masiyahin ang mga Pilipino. Masusungit at pilosopo! Kahit sa mga jeep, bus, tricyle, sa mga mall at sa kung anu-anong tindahan, siguradong may makikita kang taong masungit at mainitin ang ulo. Parang may sayad.

Hindi ko naman sinasabing masama ang ugali ng mga Pilipino. Nasasabi ko lamang siguro ito dahil sa panlulumo. Bilang isang Customer Service Representative sa isang call center, palagi at expected akong magbigay ng quality customer service sa mga dayuhang na hindi mo naman nakikita. Kaya siguro nag-eexpect din ako ng magandang customer service kapag ako naman ang customer.

Hindi naman siguro masama iyon di ba mga kapatid na Customer Service Representatives?

11 thoughts on “Mga Sira Ulong Kondoktor

  1. kahit hindi sa bus, kahit sa jeep lang, mga ganyan ang konduktor sa’min.. parang mamamatay kung bibigyan mo ng hindi barya. toinx.
    gandang araw kuya(?)martin!🙂 perstaym ko dito.^^ salamat sa pagbisita sa blog ko.^^

  2. hehehe…minsan may pagkagago rin ako..naalala ko ito
    pauwi na ako galing sa work ko 9am…

    AKO: bayad nga o’ crossing lang..(sabay abot ng 50 pesos..ala kasi ako coins)
    at medyo antok na ako..

    KONDUKTOR: sir may 5 pesos kayo?

    AKO: ikaw meron?

    KONDUKTOR: sandali lang sir ha?(pero puro coins ang bulsa niya ggrrr..)

    nakarating na ng crossing wala pa rin sukli ang 50 pesos ko

    AKO: mama sukli ko ho 50 yun…

    KONDUKTOR: sir baba kayo?

    AKO: (inis!!) hinde! hoholdapin ko yung bus na ito…(sabay baba dahil antok na najejerbax pa…sa kanya na yung 50 na yun balato ko dahil sa highscore ko)

  3. nakakatawa naman mga kwento mo!

    di lang yan sa bus nangayayari…kahit saan. aba sa totoo lang, bilang mamimili or customer, ang prbolema natin ay ang pambayad natin, kaya ang problema nila ay ang pansukli nila!

    tama ka, baka nagmemenopause na si manong.

  4. adik naman yang konduktor na yan

    meron na din ako nasakyang bus na ganyan yung konduktor

    pero meron dn naman na mabait hehehe

    next tme magbaon ka ng madaming piso tas isampal mo sa kanila

    bwahahahaha!

  5. PS. uu nga noh pero in fairness sa PAGIBIG vito cruz at SSS libertad ay maayos naman ang mga empleyado. di naman super sungit kase xempre tinarayan ko na agad bago pa nila ako masungitan kaya ayun … tupi na agad sila bwahahahaah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s