Kung Hei Fat Choi!

Chinese New Year na naman! Year of the Rabbit pa!

Bakit ba nakikicelebrate tayo ng Chinese New Year, hindi naman tayo Intsik? Saka bakit pag Chinese New Year puro pampasuwerte ang pinag-uusapan ng mga tao? Natanggap ko pa ngang regalo nung Christmas Party ng team namin ay isang jade statue na pampasuwerte.  Bakit ba ang hilig nating mga Pinoy sa pampasuwerte?

Napanood ko nga sa balita yung mga binebentang mg kung anu-anong charms. May gawa sa kung anu-anong stones, at gems na sinasabing magdadala ng maraming pera, mabuting kalusugan, at tutupad sa mga kahilingan. Ang mga presyo? May P5,000, may P10,000, at nakanamputcha, may P20,000!!!

Pampasuwerte nagkakahalaga ng P20,000?! Baka naman suwerte ang mga iyon para sa mga nagtitinda? Biruin mo tiba-tiba sila pag may bumili sa kanila. Kapag minalas ba ang isang bumili ng mga charms na ito, pwede natin silang ireklamo sa DTI? O kaya idemanda at magdemand ng damages?

Usong-uso din ang mga dragon dance. Sa mga mall, palaging meron nito. Pumapasok pa nga sa bawat shops. Suwerte din kasi ang dulot nito.  Siguro dapat magpa-dragon dance tayo sa buong Pilipinas dahil napakapanget na ng mga nangyayari sa ating bansa. Kung anu-anong krimen, aksidente, korupsyon, mga kabadingan, at kung anu-ano pa. Joke lang po ang tungkol sa kabadingan. Siguro naisip ni Binay na ipadragon dance ang buong Makati, dahil simula pa lang ng taon, napakadami ng karumal-dumal na mga bagay ang naganap.

Hindi ko naman talaga naiintindihan ang mga tradisyon at paniniwala tungkol sa Chinese New Year. Ni hindi nga ako kumakain ng tikoy. Ang pinanghihinayangan ko lang ay hindi naging holiday ang Chinese New Year. Sayang din kasi ang extra pay dahil may pasok ako sa araw na iyon.

Anyways, Kung Hei Fat Choi sa lahat!

6 thoughts on “Kung Hei Fat Choi!

  1. Hehehe, meron din palang dragon sa opis nyo :p kala ko samen lang may ganyan.

    Aminin mo, binalak mo ring bumili ng bracelet charms?😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s