Upsell, Upsell, Puro na Lang Upsell!!!

Upselling.

Ano daw?

Hindi naman tayo sales, ah. Inbound tayo bakit tayo kailangang magbenta?

Di bale, wala namang quota.

Maniwala ako sa’yo!

Hay naku, Customer Service ka na nga, magbebenta ka pa. Katakot-takot na nga ang naririnig mong reklamo, madadagdagan pa kapag nag-alok ka ng isang produkto o serbisyo sa customer. Lalo ka lang masisigawan. Pero wala namang magagawa. Required eh. Business is business.

Wala ngang quota, kasama naman sa ranking/stats mo. Mas marami kang na-u-upsell, mas maganda! Sana nga lang may commission!!!

Kaso, ewan ko ba bakit yung iba nakakabenta. Ako, umiintro pa lang, nabubulyawan na. Pare-parehas lang naman kami ng ginagamit na script. Ano bang meron sa boses ko? Tunog balasubas ba ako at hindi mapagkakatiwalaan? Bumebuwelo pa lang ako, alam na kaagad ng customer na bebentahan ko siya.

“I’m calling you so don’t sell me anything!”

“If you want to sell me something, call me!”

Hay naku. Hindi ko talaga linya ang anumang uri ng pagbebenta. Baka kapag nagbenta ako ng internal organs sa mga sindikato, tanggihan din ako.

Pero kung iisipin, paano na lang yung talagang nasa Sales at kailangang maka-quota araw-araw? Kapag walang benta, walang kita. May nakapagkuwento nga sa akin, dun daw sa dating pinapasukan niyang call center, lahat puwede mong sabihin para lang makabenta.

Ex.

“Good morning, sir. This Michael Liling, President and CEO of Super Vacations. I would like to tell you that I’m going to give you this once in a lifetime chance to go on a vacation in the Philippines for only $15!”

Instant President at CEO kagad si mokong. Tapos, kapag nakabenta ka, i-aanounce sa buong floor at papalakpakan ka ng lahat ng tao! Standing Ovation!

Parang ang saya! Kaso iiyak ka muna ng bato bago ka maka-isang benta.

Pero meron din namang halimaw kung bumenta. Ito ay ang mga taong may kakaibang kakayahan pagdating sa sales talk. Ang tawag ng ilan dito ay kapangyarihang itim. Ang sabi naman ng iba ay Majica Negra. Ang ilan naman ay sinasabing may sapi. Kung anuman ang kanilang itinatagong lihim, sigurado mayayaman na sila dahil malaki ang kanilang bonus.

Hay, sa panahon nating ito ay talagang hindi maiiwasan ang sales talk. Kahit ang inaplayan mo talaga ay inbound dahil ayaw mong magbenta, sigurado pag dating mo sa floor, meron diyang tinatawag na upselling.

Upselling na naman!

11 thoughts on “Upsell, Upsell, Puro na Lang Upsell!!!

  1. ,,hahahahaha what u are saying guys are true, upselling was my reason bkit ako umalis ng convergys,,dting account ko AT&T cust service, nlipat kmi sa shared-sbi smin wlang sales at quota, ng mtrained kmi iba na ang tono, puro upselling at score card na ang topic,,,awolan ko nga,,tang-ina nyo,,,,

  2. ,,kaso wla taung choice ngaun sa takbo ng buhay sa pinas,,,colcenter ang takbuhan ntin,,,,mas ok kasi ang sahod pano,,akala ko p nman ” in life there is always a choice,,un pla between inbound at outbound lng pla,,”

  3. tsr ako,pero may upsell pa din ng upgrade sa speed ng dsl ng customers. kaloka ang stats sa callcenter lahat nalang ma-stress ka talaga

  4. galing din ako sa ganyan inbound customer service and upaselling.. grabe dyan, irate n nga si customer dahil sa bill nya bebentahan mo pa. tas masusurvey ka pa kung bad survey ka yari ka. kaya nagresign nako sa ganyan pure csr nako ngayon. galing ako telco acct hardselling tlga.. maganda lang kase incentives

  5. tama tlga ako, the BEST dto sa transcom pasig talktalk plus tv acct. (UK) wlang upsell, wlang CSAT (survey) ikaw mgha hung up kng gsto mong mag survey si cx. at kihit bgyan ka ng uno, wlang kwenta kc hindi ka kakausapin ng TL for the low csat. hindi impt dto un, AHT and CR7 lng impt. super bait pa ng mga tga UK, kahit galit n galit n malumanay pa din boses except sa mga indian cx. unlike americans n puro wlangya at racist! I love TRANSCOM!😉

  6. Hi, nasa bpo ka pa din ba? Ask ko lang kung gusto mo ng nagse sales talk. Haha sigurado mabubulyawan mo din ako. Ganun talaga, tawag dyan “prospects”. Nasa sales din ako. Pero may commission hehe. Ano gusto mo ba bentahan kita😀
    Email mo ko, suarezruthanne@gmail.com maganda magaling kang sumulat. Baka one day, makihingi ako ng testimonials mo about sa products ko. Good night

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s