Happy 1st Birthday Buhay Call Center

Huwaw!  Ang bilis naman!  Ni hindi ko namalayan na naka-isang taon na pala itong blog na ito.  Naalala ko pa noon, wala pa akong interes sa pagba-blog.  Tamad kasi ako magsulat.  Pero mahilig ako magsketch ng kung anu-ano. Hindi naman talaga ako marunong magdrawing.  Nahilig lang kasi boring na boring na ako sa pagca-calls at parang bumibilis ang oras kapag nagda-drawing ako.

Mukha namang natutuwa ang mga teammates ko sa mga gawa ko.  Hanggang sa meron na akong laging pino-post na drawing sa team board namin.  Pati yung ibang mga team nakikibasa na rin.  Maganda naman yung mga feedbacks na nakukuha ko sa kanila.
Kaya naisip ko na bakit hindi ko i-post sa isang blog ang mga gawa ko?  Doon nagsimula ang Buhay Call Center.

Ngayon nga ay isang taon na ang lumipas. Ang dami ng nangyari at ang dami kong na-meet na bagong kaibigan at ka-blog. Marami rin akong natutunan sa kanila. Ilang beses ko na nga ring naisip na itigil na lang ang pagblog dahil medyo busy rin naman ako at ang daming pinagdaanang problema. Pero kapag chine-check ko itong blog ko, marami pa rin ang bumibisita (o naliligaw). Naisip ko tuloy na sayang naman kung hindi ko ipagpapatuloy.

Pero higit sa lahat, masaya ako kapag may naipopost akong bago. Masaya ako kapag mayroon akong naisusulat kahit na kalokohan lang. Masaya akong i-share ang mga naiisip ko.

Masaya talaga!

Sa lahat ng mga nagustuhan ang blog ko(at sa mga hindi, lalo na yung tungkol sa mga QA Monitors), maraming-maraming salamat sa inyong lahat!

At sa blog ko, Happy Happy 1st Birthday!

5 thoughts on “Happy 1st Birthday Buhay Call Center

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s