Pa Y-Cord Naman

Madalas, kapag may mga newbies na kailangang mag-Y-Cord, nagtuturuan ang mga CSRs.  Lalo na kapag si TL o isang big boss na foreigner ang makikinig.  Natural lang naman iyon.  Nakakastress naman talaga minsan kapag may katabi kang nakikinig sa mga calls mo.  Hindi rin naman kasi maiiwasan na magkaroon ng mga basurang calls.  Gayundin naman, minsan ay talagang bad mood ka.

Naalala ko nga yung dating bumibisita si GMA sa mga call centers.  Pinakita sa TV na nakikinig siya sa isang agent (agent nga ba talaga yun?) habang nagca-calls.  Nakakastress!  Kung sakaling ako yun baka hindi na ako nakapagsalita.  Tapos nakatutok pa sa iyo ang sangkatutak na camera.

Pero ganun talaga, lalo na sa mga tenured ng team.  Sila ang sandalan kapag may kailangang mag-Y-Cord, mapanewbie man iyan o client, kahit presidente pa ng Pilipinas.  Sila na rin kasi yung talagang bihasa na kayang-kaya na ayusin ang calls kahit sabog si caller.

Kapag may nagtatanong sa akin kapag pwedeng mag-Y-Cord sa akin, lagi ko sinasabi na maglu-lunch na ako.

Hehehe!

8 thoughts on “Pa Y-Cord Naman

  1. nakaka stress talaga yan kung yung time nga lang na nag eecho ang call ko dahil nag QA nastress na ko eh what more yung katabe ko pa yung nakikinig sa calls ko..😛

  2. masaya kapag ung mga newbies na mag ba-barge sau, tapos gwapo. hehehehe. Joke. pero tama si Teknisyan, kung may call flow ka, at sinusunod mo ung process ayos lang, kaso may mga times na ung caller mo, nakakainis. tapos un pa ung saktong mapapakinggan. :)) nakikisali lang ;))

  3. Okay, ngayon ko lang navisit tong site mo kasi ngayon ko lang ulet na-open blog ko at nag-decide na gawing active ulet un… U left a comment pala last January (gahhh ang tagal na e noh!? haha!) and I’m happy navisit ko blog mo kasi ang interesting!😀

    Anyhoo, d ko napanood ung kay GMA pero darn, taas stress nung kung sino man ung nafocus haha! try mo ngang wag mag-break pag kelangan pa y-cord? hahaha! balitaan mo kami =p

  4. last time when I was still with CVG Makati, we call this “Y-JACK”…=)

    kamiss din mag-take ng calls minsan…those were the days…:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s