Bakit Ba Kailangang Mag-Blog?

Bakit nga ba kailangan pang mag-blog?

Isa itong misteryo na bumabalot sa milyong-milyong blogger sa buong mundo.  Marami ang nagsasabi na nag-ba-blog sila para kumita, pero sa katunayan, maliit na porsyento lang ng mga blogs ang talagang kumikita.    Yung iba naman ay gusto nilang i-share ang kanilang mga nalalaman lalo na sa technology, pagkain, travel, damit, at kung anu-ano pa.

Kaso nga lang, napakarami nang ganitong mga blog ang sumulpot at nawala.  Kaya mapag-iisip ang isang blogger kung paano magiging unique at tatangkilikin ang kanyang blog.

Ako naman ay wala talagang kaalam-alam sa mga blog.  Nakilala ko lang ang blogging dahil nalaman ko na may blog pala ang bunsong kapatid ko.  Ito ay ang Kat’s World. Noong una ay wala rin naman talaga akong interes dahil tamad ako magsulat.  Ang bunsong kapatid ko talaga ang mahilig magsulat ng kung anu-ano kahit noong mga bata pa kami.

Noong 2004 ay naganap ang isang kagila-gilalas na bagay.  Nakapasok ako sa call center!  Noong una ay tuwang-tuwa ako sa aking trabaho.  Napakachallenging!  Ngunit lumipas ang anim na taon at hanggang ngayon ay nagha-“how can I help you?” pa rin ako.  Nakaisip din ako ng maraming mga pagkakaabalahan habang nagca-calls.  Nariyang nagbabasa ka ng diyaryo o libro, kumakain, natutulog, at kung anu-ano pa (huwag lang pahuhuli kay bosing).  Na-try ko ring mag-origami para bumilis ang takbo ng oras.

Two years ago ng subukan kong magdrawing.  Bata pa lang ako ay mahilig na akong magdrawing.  Kaso walang hilig ang pagdradrawing sa akin.  Umaatend nga ako ng art class noon ngunit binaksak ako ng teacher ko.  Sa kaboringan sa pagcacalls ay sinubukan ko ulit hawakan ang lapis.

Natuwa naman ang mga ka-teammates ko sa mga kalokohang pinag-gagawa ko.  Noong una ay sobrang pangit pa nga ng mga drawing ko at kailangan ko pang i-explain sa kanila kung ano ang ginuhit ko.  Ngunit awa ng Diyos, ngayon ay naiintindihan na nila ang mga drawing ko.  Anyways, nanghinayang ako sa mga drawings ko kaya naalala ko yung blog ng kapatid ko.  Naisip ko na bakit hindi ko subukang mag-blog.  Wala lang.

Kaya nabuhay ang blog na ito.  Hindi ko naman akalain na may magbabasa.  Hehehe!  Marami na din akong napuntahang mga blog at natuwa sa mga nabasa ko.  Naisip ko tuloy na masaya talagang mag-blog.   Hanggang nagulat ako ng isang araw ay nalaman ko na pinarangalan ako ni Prookyness ng award na

Na-flatter naman ako. Hehehe!  Salamat ng marami.  Salamat din sa mga taong nagbabasa ng blog ko.

Ito nga pala ang rules ng award na ito:

1. Thank the blogger who awarded it to you.

2. Sum up your blogging philosophy, motivation, and experience using five words.

3. Pass it on to some other blogs which you feel have real substance.

Ok, so here’s my blogging philosophy in 5 words”

“SHARING YOUR CREATIVITY IS FUN.”

And now, for the my top 5 bloggers with substance:

Kat’s World

No Spam, No Virus, No Kiddin’!

Sikat ang Pinoy

Stacey Avenue

Kwelang Pinoy

Yebah!!!

Sa mga bloggers, blog lang ng blog.  Laging tandaan, if it’s worth doing, it’s worth sharing.

Tnx!

19 thoughts on “Bakit Ba Kailangang Mag-Blog?

  1. i found your blog thru kat’s blog … and i read a good lot of it. i have to say im really impressed and i know 3 of my cousins who have worked in call centers could really relate to everything you wrote.

    good writing skills must run in your family or something

  2. Sa wakas nakapasyal ulet ako dito, heheh totoo un ang blogging ay mahalagang bagay para magkaroon ka ng diversion sa paulet ulet na trabaho tulad ng call center.

    nga pala, updated na ung link ko. thanks!

  3. Uy biased yung kapatid ko oh, number 1 ako! Hahahaha. Matagal nang nasa blogroll kita anu ka ba, hindi mo nakita yung Kat’s Favorites? Anyway, congrats! Nakakatuwa naman talaga blog mo, pinopromote ko nga to sa mga kakilala kong nagwork na sa call center. Natatawa nga sila.

    Keep drawing! talent mo naman talaga yan noon pa. Tsaka yung mga joke. Ikaw kasi yung joker. Ako yung iyakin. Tapos yung isa nating kapatid The Grinch. Hahahahahaha!

  4. isa na ako sa mga na-entertain ng blog mo. ituloy mo lang yan. sarisari ang dahilan ng mga tao magblog. wag ka sanag mawalan ng reason to do it kasi naeentertain mo kami.🙂

  5. “NAKAKAADIK” ang blog mo.. Nag bloblog din ako kaso unlike yours, my blog is very private. Baka makasuhan ako kaya ako lang din ang reader.. haha..

  6. nice blog site man…mabuhay ang mga taga call center..buti nalang wala akong pasok ng pasko at new year kasi day shift kami and australian account na hawak ko..woohoo..i like your site..saw your link from co-officemate and natuwa ako sa blog mo about celebrating christmas at the office..been there…done that…

      • hahaha…lipat kana sa amin…bata ako ang referral mo ha…joke..^^ that’s life man…i am sure pahirapan pa ang pag file ng VL ng holiday season..so I hope you enjoy your holidays at the office.. :p graduate na ako sa American account so smile lang my dear..

  7. well for me blogging is a self-help, therapeutic way of releasing what’s in your chest and mind…as long as you’re true and honest in your words and content, tracking them back in time makes you realize what kind of person you are, what you’re priorities back and then and your identity as a whole…kind of journal writing…thanks for sharing the lighter side of life…

    cheers dude! ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s