Bili Na Ng Tinda Ko!

Nung Grade II ako,tuwing may exam ay binebentahan kami ng teacher ko ng Expo Mani.  Sabi kasi ng teacher ko, pampatalino daw ito.  Kaya lahat kami ay bumibili sa kanya.  Effective naman!  Third honor ako nung Grade II ako!!!

Anyways, lumipas ang mga taon at marami pa akong nakasalamuhang mga teacher na nagtitinda.  Dito ay napagtanto ko na niloloko lang pala nila ang kanilang mga estudyante para lang makabenta!!!  Buti na lang ay bawal na ito.  Minsan kasi ay wala naman talagang kuwenta ang tinitinda nila.

Pero kung iisipin, nagagawa lang naman nila iyon dahil kailangan nilang kumita ng extra dahil sa liit ng suweldo nila.  Mahirap talaga ang buhay, laging nagigipit.

Nung nasa call center na ako, nagulat ako dahil marami pa rin ang nagtitinda.  May nag-A-Avon, mga damit, sandals, bag, mga pagkain, alahas, at empanada.  Naisip ko tuloy, na kahit malaki ang suweldo sa call center, nagigipit pa rin ang mga tao dahil sa hirap ng buhay.  Laging kulang ang kinikita.  Laging gipit.  Minsan tuloy ay gusto ko na rin magtinda para naman kumita din ako ng extra.

Wala namang masama kung magtitinda.  Basta susunod lang tayo sa regulations ng company.  Minsan kasi garapalan na kahit nagca-calls ay may ibang business ang mga tao.  Huwag ganon.  Dapat pasimple lang.  Huwag magpahuli.

Good luck sa inyong mga business!

6 thoughts on “Bili Na Ng Tinda Ko!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s