Hinayupak na Vendo!!!

Napakahalaga ng vendo sa buhay ng isang call center agent.  Kapag walang mabilhan ng pagkain kapag dis-oras ng gabi, nandiyan ang vendo para magbigay ng sandaling relief.  Biskwit, chichiria, softdrinks, ice tea, kape o tsokolate, isang pindot lang, meron na.

Huwag lang mamalasin.

Ewan ko ba minsan nananadya. Kung kelan gutom ka, dun pa kakainin ng vendo ang pera mo.  Minsan tuloy, nagbibiruan kami na may tao talaga sa loob ng vendo machine at malamang natutulog lang yung tao sa loob kaya ayaw lumabas ng binili mo o ng pera mo.

Minsan naman mahuhulog na lang yung binili mo, pahirapan pa.  Yung tipo bang nakabitin pa at ayaw pa mahulog.  Kailangan mo pa talaga alugin ang mabigat na vendo machine para lang makuha ang isang pirasong Sky Flakes.

Sino ba ang may kasalanan sa ganitong mga pagkakataon?  Kanino ka ba puwedeng magalit kapag nagtopak ang vendo machine?  Bakit ang tagal naman mag-refund?  Bakit hanggang ngayon ay hindi pa naibabalik ang bente ko, isang buwan na mahigit ang nakakalipas?

Baka naman napupunta s Twilight Zone ang perang kinakain ng vendo?

Isa na namang malaking hiwaga.

14 thoughts on “Hinayupak na Vendo!!!

  1. Grr… kinain na ren ng mamang natutulog sa loob ng vendo ung pera ko, asar kung kelan malapit ng matapos break ko at nagmamadali lang akong kumain tyaka pa nangyari.. hay.. kaya ako payat eh.. hehe..

  2. hey there.. kakainis nga pag kinakain ang pera sa vendo. ilang beses na rin ngyari sa akin yan.. kaso lagi kong nakakalimutan ang refund hahahaha..

  3. Minsan may pagkabobo din yang tao sa loob ng coffee vendo machine (yung tig-9 pesoses lang dati), kasi instead na piso ang isukli sa sampung pisong barya ko, sampung piso din yung nahulog. Hehe. Eh di libre ang kape!!! Wiii. Sana ganun lagi.

  4. 4 days to go till the next cycle of Hall of Fame! hurry, invite your friends now to vote for your blog and get a chance to be one of the “sikat” at BNP’s Hall of Fame!🙂

  5. bakit for one week, lasang kape ang iced tea ko???? nde ko alam kung kasama sa refundables ang ganung kaso…. sa mga kasama ko sa work, try nio ang vendo sa pinakataas(alam nio na kung saan un)… usually 8pm-11pm, lasang kape ang iced tea.. bka nde marunong magtimpla ng iced tea ung mahiwagang tao na natutulog sa loob…

  6. shit nakarelate ako!bumili ako ng green tea sa cup for 12 pesos tubig at ice and lumbas.and mahal 8 oz. na tubug 12 PESOS?!!!?! “$%”£%$”££$£”%$”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s