Hay, Ang Hirap Talaga Ma-Late!

9:59 na at tumatakbo pa ako paakyat ng building.  Nakakainis pa ang mga taong ang bagal maglakad at hahara-hara sa daan.  Ang bagal pa dumating ng elevator.  Pagdating ko sa floor namin, magpu-punch in na sana ako ng makita kong late na ako for 1 minute.  Agad kong nilabas ang aking cellphone at tinext ang boss ko: “Boss, I’ll be late for 2 hours.  I’m stuck in traffic.”

Ganyan ang gawain ko noon.  Hanggang 2 hours kasi ang allowable sa amin na maging late.  Kapag more that 2 hours, considered na yun as absent.  Eh late na rin naman ng isang minuto eh di sagarin na!

Nakakainis din kasi dahil nakadikit ang bonus namin sa attendance.  Kapag na-late ka ng isang minuto, kahit naka-perfect QA ka pa ay hindi mo din matatanggap ang bonus.  Nakakatamad na tuloy pumasok.   Mahigpit pa naman sa amin ang attendance.  Walang lusot.  No excuses.  Late is late.

Medyo kalayuan pa naman ang inuuwian ko.  Kung baga, sa probinsya pa.  Sabi nga ng mga katrabaho ko bakit daw hindi pa ako lumipat sa Manila.  Well, madaling sabihin yun.  Unang-una mahirap maghanap ng bahay.  Matrabaho.  Pangalawa, mahal ang bahay sa Maynila.  Pangatlo, may family na ako, hindi basta-basta ang paglipat.

Kaya eto, tiyaga sa pagpasok ng maaga.  Kaso, minsan hindi mo masasabi na may nangyayari sa daan.  May banggaan.  May nagrarally.  May checkpoint.  May nagtatraffic (bakit mas grabe ang traffic pag may traffic aide?).  Kahit anong aga mo eh minsan talagang itinadhana kang ma-late.  Wala pa namang ibang way sa amin at ang tanging paraan ng transportation ay bus or jeep.  Walang MRT.  Walang LRT.

Parang nitong huli.  Na-late ako dahil sa isang kandidatong nangangampanya.  Tatlong oras ang inilaan kong travel time para siguradong hindi ako mala-late. Pero wala pa ring nangyari.  Late pa rin.  Buti na lang maganda ang pelikula sa bus.  Michael and Madonna ni Rene Requestas at Manilyn Reynes.  Kahit paano, natawa ako.

Siguro ganito lang talaga ang kapalaran naming mga malayo ang pinagtatrabahuhan.  Sanayan lang sa pag-alis, hindi lang ng maaga, kundi sobrang aga.

At oo, morning shift ako ngayon.

Note:  Hindi ko na ginagawa ito kapag na-lalate ako.  Buking na kasi ako ng TL ko.  Hehehehe!

10 thoughts on “Hay, Ang Hirap Talaga Ma-Late!

  1. ganun talaga…. kahit ganu kaaga ung alis mo ng hauz, pag natapat ka nga nman sa kamalasan…. last year, madalas mangyari sken un…. mas matindi nman ang morning shift kc lahat ng traffic, mararanasan mo, papunta ka pa lang at pabalik na….

  2. very recent ng movie sa bus ah! hahahaha! anu yung 2 hrs na allowance? a day yun? kami 5mins a day lang. at everyday is exercise day para sakin kasi everyday ako tumatakbo para di ma late hahahaha! am shift din ako haha apir!

  3. korek!!! sa mga tulad nating malalayo ang working place eh kailangang maaga tau umalis para makapasok on time… di ako call center agent pero katulad ng karamihan na dito sa cavite nakatira, kay hirap talaga magbyahe… naalala ko nga minsan, nalate ako… 4 hrs akong nagbyahe to think na sa las pinas lang ako nagwowork. yun tlaga ang tinatawag na pag nataon ka sa kamalasan kahit gaano ka pa kaaga umalis, male-late ka… everyday nakikipagsapalaran ka na sana maaga ka makapasok. at I agree, pag may traffic aide mas doble ang traffic!

  4. Naku napakalayo kasi ng bahay niyo sa work. Yan ang sobrang ayaw ko. NUng nag-aaral ako, dun ako nakatira sa tabi ng school. NUng nagwowork na ako, dun ako nakatira sa may malapit sa work. So in a way nakatulong sakin ang katamaran kong magbiyahe—-sobrang bihira akong ma-late kasi ang lapit ko nga naman. Meron kasi talagang mga instances na hindi mo inaasahan—-bungguan, tubo ng maynilad na ginagawa at kung anu-ano pa.

    Maganda talaga yung malapit lang para din hindi ka sobrang aga kung gumising.

  5. Kaya ayaw ko na mag work sa office. Tuloy ko nalang ung negosyo ng tatay ko.

    Dati tumira ako sa Cubao at sa HSBC Tower Makati ang office ko. Nakakainis nga. Kahit na more than two hours ka umalis late ka parin. Sa Makati talaga pinaka-deadly mag work. Kalahati ng araw mo mauubos sa traffic palang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s