Paano Ba NagQ-QA ang QA???

Hay bagsak na naman ang QA ko.  Ang hirap pa naman kapag konektado ang bonus mo sa QA mo.  Bagsak na QA, walang bonus.  Ikaw, pasado ka ba?

Bakit naman kasi nagfa-fail pa?  Hindi ba paulit-ulit lang naman ang ginagawa natin sa araw-araw.  Minsan tuloy nakakaduda na kung bakit nagfa-fail.  Sadya ba ito para makatipid ang kompanya?  Cost-cutting daw?  May nagsasabi naman na kapag marami daw ibinagsak ang QA Department, mas malaki ang matatanggap nilang bonus.  Kaya kahit katiting na bagay lang ay ibinabagsak kaagad.

Naalala ko nga noon, bagsak QA ko.  Pero wala namang nakalagay na reason kung bakit.  Hindi pa uso recording noon kaya hindi mo mapapakinggan kung bagsak ka ba talaga o hindi.  Salamat sa TL kong makulit at na-overturn naman iyon.  Minsan naman sabi QA ininterrupt ko daw si caller habang nagsasalita.  Nung pinakinggan namin yung recording (salamat at may recording na!) ayos na ayos naman ang call ko.  Pwede pa nga bigyan ng award.

Ang hirap din siguro maging QA.  Sila kasi ang laging minumura kapag may bumagsak.  Kaya nga ng magka-opening sa amin ng QA sabi ko AYOKO!!!  Bahala na sila sa buhay nila.

29 thoughts on “Paano Ba NagQ-QA ang QA???

  1. hay martin korek ka dyan… eto nga papaopera na lang ako ngfail pa… di ko alam kung kelan ung last. pambili ko na sana ng sinulid un for operation.. hehehe… hay naku, sana maoverturn ung fail ko… yaan mo if maging QA ako, lahat sa team 91, lagi 100 sa QA, level 5 sa echo… hehe..

  2. e araw-araw at paulit ulit mo pala ginagawa yang trabaho mo e bakit nagfe fail ka pa? sino kaya ang may diperensa? naisip mo ba iyun? diba ikaw naman ung nagco calls hindi naman ung nag qa sayo? so anong problema natin?

    feeling mo naman kung mag-aaply ka e matatanggap ka??? e sayo na nga mismo nanggaling na ang dami mong fail.

  3. I don’t want to sound conceited pero when I was an agent before, I never failed my QA’s. Lagi akong 100% (minsan 110% pa kasi may bonus ang upselling). Kahit internal QA’s (client ang nag-QA), 100% ako. Pero syempre, minsan may scores ako na lower than 100% naman. Pero walang bagsak.

    Ang secret lang ay sundin ang guidelines. Read and understand the comments from your QA Analyst and TL. Also, listen sa mga sinasabi nila pag coaching. Update yourself sa client specs and soft skills. I’m sure hindi ka na magfe-fail nun.

    You’re right, araw-araw nagko-calls pero failed pa rin. Baka naman kasi may pagkukulang pa rin kaya ganun. Baka pasaway. And it’s not true that the QA Analysts would get additional pay pag madaming bagsak. As a matter of fact, nagagalit pa ang clients pag may bagsak.

    Walang kasalanan ang QA Analysts sa scores mo kasi pinapakinggan lang naman nila ang calls mo. Yung QA score mo sa 1 call e reflection lang yun ng performance mo on that call (pero that doesn’t mean na ganun ka naman mag-calls lagi).

    • Wow ang galing mo naman Pepper! Isa kang Diyos!!! Joke!!!

      Seriously, bawat company iba-iba ng metrics at standard pagdating sa QA. Ayos sa inyo kahit hindi 100% basta pasa okay lang. Sa amin kasi, it’s 100% or nothing. kaya kahit 99% ang QA mo, bagsak pa rin (Actually, the QA that I was talking about in my post was 97%). Even the smallest mark down is considered a fail. Masakit pa na ang bonus namin na nagkakahalaga ng P2,400 per week ay nakadepende kung naka100% QA ka for that week. Kaya nakakasakit talaga ng loob para sa mga CSR kung nagfail (not 100%) kahit kasalanan naman talaga namin.. Minsan tuloy (actually, madalas) nasisisi ang QA kasi minsan maliit lang at simpleng pagkukulang lang e mawawalan ka ng P2,400. Malaking bagay para sa aming simpleng mga CSRs ang P2,400 kaya magwawala ka talaga kapag hindi ka naka-100%.

      Iba-iba rin naman ang account natin kaya iba-iba ng guidelines. Madalas nagbabago pa ang mga ito. Wala pa akong kilalang agent na hindi bumagsak(not 100%) ng QA simula ng magsimula siya. Kahit mga super-tenured na CSR sa amin nag-fafail din naman. Hindi guaranteed na porket paulit-ulit mong ginagawa ay lagi ka ng pasado. Mayroong mga taong bihira lang magfail (ikaw yun Titah Carla!) pero small percentage lang yun. Iba-iba rin kasi ang caller. May lasing. May maniac. may matandang hindi mo maintindihan. May mahirap maintindihang accent gaya ng Scottish, Irish, at Indian (UK Account kasi ako). May mga prank callers. May mga ngongo! at kung anu-ano pa. Iba-iba rin ang circumstances ng calls. Minsan naaksidente ung caller, minsan may humahabol na killer (bakit ba sa amin kayo tumatawag? tumawag kayo ng pulis!), may mga gustong magsuicide, may gustong makipag- phone sex (si Mr. M!), may nang-aasar lang talaga. I’m sure hindi naman black and white lang ang pag-q-qa. Meron din namang mga gray areas. Gaya nga ng sabi ni Kuya Brad, minsan kailangan mo pang itanong sa co-qa or boss mo ang tungkol sa pinakikinggan mo. Mahirap na trabaho ang pag-q-qa. Ganun din ang pagcacalls.

      Kung may na-offend mang QA sa post ko, pasensya na po. Naglalabas lang ng sama ng loob. Nanghihinayang sa P2,400 na hindi ko na makukuha. Di bale, this week naman ay naka 100% ako!!!

  4. Nakakatuwa naman ang blog mo. Sadly, puro misconceptions lang po ang mga ito.

    Una po, hindi po nakasalalay ang bonus namin sa dami ng pasado o hindi pasado. Wala po talagang kinalaman ito.

    Pangalawa po, hindi niyo lang alam, pero mas mahirap mag monitor ng isang failed call. Isipin nyo na lang, pag perfect ang isang call, papakinggan lang namin, type ng magandang comment tapos next call na uli. Pero pag may fail, kelangan pa namin itype at iexplain ang fail. Minsan, kelangan pang pakinggan uli para ma make sure na hindi kami magkakamali. Minsan, sobrang complicated ng fail na kelangan pa namin itanong sa boss namin. In short, mas mahabang time ang nagugugol for failed calls. E, importante pa naman sa amin ang oras, sa dami ng trabaho. Hindi nyo lang alam kung gano kami kasaya kapag magaling at walang fail ang na monitor namin.

    Pangatlo po, mga tao lang po kami kaya minsan hindi maiwasan magkamali. Kami rin naman ang lagot pag nagkamali kami. Apektado ang bonus at stats namin.

    Sanay na kaming mga QA na nasisisi at namumura. Naiintindihan naman namin ung mga galit niyo sa amin kasi naging CSRs din kami at naranasan din naming mag fail at mawalan ng bonus. Kaya lang po trabaho lang po ito, walang personalan. HIndi namin alam ang mga issue niyo sa buhay pag nag momonitor kami. Tsaka, kung walang gagawa nito, sino pa? Siguro kung walang QA, bara bara na lang lahat ng CSRs at ang resulta, wala ng tatawag sa atin, wala na tayong trabaho.

    Un lang po. Thanks for taking the time to read this.

    • Wow! May QA na nagcomment sa blog ko!!!

      Tnx QA Brad for clearing this up. Sensya na kung QA ang naputukan ko nung may fail na naman ako (lagi naman di ba hehehe). alam mo na siguro yun na dahil naging CSR ka. Alam ko naman na very fair ang QA natin! Alam mo naman ang mga csr talagang walang ibang masisi kundi QA kaya kung anu-anong tsismis ang pinakakalat (ung tungkol sa bonus).

      Dala lang talaga ng damdamin. Sayang din kasi ang P2,400. Salamat sa maayos na pagtutuwid. Sana makita pa kita ulit dito sa blog ko. hayaan mo to be fair gagawa din ako ng komiks tungkol sa kabutihan ng QA!!!

  5. infairness, sumisikat na ang iyong vlog..haha..dami n views,,at bongga mga comment ^^ haha..nkkpginit kc ulo ang vlog mo..charos!

  6. balita ko, connected din cia pag maganda ang performance mo the past month… believe it or not… pag sinabi ni boss na EOM ako, automatic that week, bagsak ako ng QA.. eh sinuwerte na pumasa the following month, pagka-announce pa lang, bagsak ako ng QA for the same mistake… sinigurado nla na hindi na masusundan ulit for april, lahat ng QA ko for april, bagsak… walang bonus for april…. huwaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!!!

  7. @doggYsMile24 – siguro, naging complacent ka na dahil EOM k n kya nwala ka sa focus. dpat, continue lang un ginagawa mo dati. importante din ang FYIs or Tips sa report card bka din kasi u disregard this since the call is a pass.

  8. hai.. eh kasi naman po dapat po inaaus nio poperformance nio.para po mkapgimmersion kau s QA at mlaman nio kung pano tlga cla mgmonitor pra po wla po kayo mrming reklamo (agua tone) lol

  9. martin, okay lang yan. ahaha. hindi naman masama maglabas ng sama ng loob. chaka wala namang taong natutuwa pag pinansin ang mali nila dba? chaka may FREEDOM OF SPEECH na tinatawag…kaya batobato sa langit tamaan, headshot. ahahaha.

    ako nga supervisor na, hanggang ngayon nabubwisit pagmay fail p din ako…nakakahiya din naman kc for more coach ka ng ayusin nila pagkocalls nila tapos simpleng 2 secs before closing di ko pa nahintay. chaka yang accuracy fail na hindi lang nagoffer ng alternative, 10% kagad. (ahem, sorry na lang sa mga tatamaan, ahaha.) badtrip tlga yan.

    pero wla nga naman akong masising iba kung hindi sarili ko. chaka pwede nyo naman ipaoverturn kung hindi naman din valid ang fail.

    sa mga QA monitors naman, chill lang. parang d na kau nasanay. buti nga kau wala kau sa floor…you dont get the dagger looks that the supervisors on the floor get. hehe. ganun tlaga. isipin nyo na lang sumusunod lang din at trabaho nyo lang ang ginagawa nyo.

    natawa lang ako sa kasi biktima dina ako nyan EOM curse na yan. kaya un sa dati namen team ok lang na hindi maging EOM kasi pagnapansin kang nagexcel…premier mo apektado. ahaha.

    so chill lang everyone ok. wag na kau macyadong nega. kau lang ang papangit sa galit na nararamdaman nyo.

    peaceout!

  10. kkakatuwa naman to hear both sides.at least ngayon alam na natin na hindi naman maligaya mga qa monitors pag me failed na csr eto naman ay opinion lang…….more like this sana para more fun and me kapupulutang araw….@martin tagal na kitang hinahunting madalas ako nakatingin sa board nyo super amazed lang ako sa blog mo hehehe keep up the gudwork..and im sure tl alex and uk91 are damn proud of yah!!! \m/

    • tnx sa comment. buti naman at nagustuhan mo ang blog ko. bisita ka lagi. dadamihan ko pa ang mga controversial issues! hehehe!

      bakit mo ako hinuhunting??? may utang ba ako sayo? kung meron, hindi mo na ako makikita!!! eheheheh!

  11. wala naman sigurong perfect na agent. kahit na lam mo na ang spiel & protocol mo by heart na nagagawa mo na ang work mo kahit nakapikit ka ay magkakamali at magkakamali ka rin at some point. tao lang tayo… may good & bad calls tayong lahat!

    pero may super lucky na agent lang siguro kasi swerte siya na lagi good calls niya lang ang namo-monit. swerte!!!

    mahirap din naman talaga maging qa. malaking responsibility. dahil sa kanila lam natin kung tama ba pinaggagawa natin sa trabaho. pero tao lang din sila na nagkakamali din. pero pwede din naman iscrub pag may mali sa monit. kaya palagay ko fair pa rin naman ang lahat kahit papaano.

  12. Pingback: Happy 1st Birthday Buhay Call Center « Buhay Call Center

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s