Mag-Ingat sa mga Gwapong Lalake (Baka Ma-Peke)!

sa elevator

Nitong isang linggo lang ay umamin si Ricky Martin na isa pala siyang bading.  Sigurado nagulat ang buong mundo, lalo na ang mga babaeng may crush sa kanya.  Biruin mo, sa gandang lalake niya, bading pala.  Well, actually hindi na din ganoon nakakagulat dahil napakarami na ngayon na ganoon ang sitwasyon.  Lumabas ka lang ng bahay mo at maghanap ng mga nag-gagandahang lalake at tiyak, singkwenta porsiyento sa mga iyon ay bading at bente-singko porsiyento ay silahis.  Hindi ko naman sinasabi na wala ng lalaking gwapo.   Marami-rami pa naman din sila.  Kaso, ang madalas sa madalas ay mga bading nga ang mga ito.  Lalo na sa mga call centers.

WALA NAMANG MASAMA DITO.  Marami akong kaibigang bading na may mga itsura.  Minsan nga binibiro ko na sayang naman ang kagwapuhan nila.  Sagot naman ng kaibigan ko na hindi daw sayang dahil maswerte ang gwapong bading.  Masaya ang buhay.  Well, mukha naman siyang masaya at laging inlove kaya hinayaan ko na.

Talagang nag-iiba na ang panahon natin.  Wala na ang concept na lalaki at babae lang ang meron.  Ngayon meron ng gay, lesbian, bi at kung ani-ano pa.  Kanya-kanya din ng lifestyle.  Maraming mga lalaki ang super banidoso.  Meron pa nga akong kilala na nag-aahit pa ng buhok sa kili kili (lalaki po  ito) at nagkakalamansi ng siko.  Siguro kanya-kanya lang talaga tayo ng idea tungkol sa ating self-image.  Gaya ng sabi ko, wala namang masama kung magiging banidoso ka.

Pati mga bading ay nag-iiba na din ng image.  Ngayon pag sinabi mong bading, meron diyang mga talagang gwapo at ang lalaki ng katawan.  Tulad ni Ricky Martin.  Hanggang ngayon nga ay buhay pa rin ang tsismis na bading daw si Piolo Pascual.  Yan ang isang image ng bading ngayon, mga hunks.  Daig pa yung mga tunay na lalaki na karaniwan ay may malaking tiyan.  Meron din namang talagang maganda na.  Pag nagbihis babae ay talagang mapapalingon ka dahil sexy pa.  Huwag nga lang magsasalita dahil mas malaki pa sa isang tenor ang boses.  Kwento nga ng isang kaibigan ko, may nakita daw siya ang ganda at ang sexy kaso hindi niya alam kung babae ba o lalake kasi ang laki ng Adam’s Apple.

Anyways, mukhang dumadami na nga talaga ang mga gwapong bading.  Siguro kasi mas accepted na sila ngayon kaysa noon.  Hindi na nakakahiyang aminin.  At mas masaya na sila kaysa noon.

Anyways, sa mga bading na gwapo, bigyan niyo nga ako ng mga pangpa-gwapo tips!

8 thoughts on “Mag-Ingat sa mga Gwapong Lalake (Baka Ma-Peke)!

  1. un nga ang nakakagulat eh… no wonder na bagsakan tau ng chismis na tau nagkakalat ng AIDS/HIV virus… pero masaya nman cla kausap eh… kc kahit tahimik ka, tatawa ka nlng sa mga outrageous na comments….😄

  2. korek ka dyan… andami talaga bading ngyon… sayang lang tlaga ung iba kase super gwapo, then malalaman mong bading (wawang A**a) … but then masarap naman sila kasama eh… and especially, mas magaling sila makipagusap kaya nga most of them are call center agents…

  3. Nasa henerasyon na kasi tayo ngayon ng facebook at kung anu ano pang online at lahat halos ay may kakayahang ipahayag ang kanilang mga saloobin. Mas marami na ang lumalabas sa kanilang mga lungga tutal acceptable na ito sa paningin ng iba.

    Sa tingin ko, ang pagbubulalas ng sekswalidad ng isang tao ang pinakamatapang na maaari mong gawin. Hindi ko alam kung kailan matatanggap ng ating sociedad ang pagiging liberal ng isang babae, ako halimbawa, sa usaping sex.

  4. hahaha nice one. medyo oldies and tone mo d2 martin ha! mabilis na talga dumami ang bading ngaun and kasabay nun and pagbabago ng ilang insights natin and paniniwala hopefully we keep the good values. we should only respect one’s own choice of expressing himself kahit guwapo pa siya at nakakahinayang

  5. Pingback: 2010 in Review « Buhay Call Center

  6. great post. hindi naman sayang ang tawag dun, porke’t bading ba ang gwapo eh sayang na? bading ako, may histura naman, pero ang skills ko, at ang value ko sa family ko ay andun pa din so hindi ako sayang kasi nakakatulong ako sa mga tao sa paligid ko dahil sa kung anung meron ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s