Ang Kapangyarihan ng Headset!

Bakit sa tuwing isusuot ko ang headset ko ay bigla-bigla akong nakakaramdam ng matinding pagkaantok?  Panay ang hikab ko at bumibigat ang aking mga mata.  Kahit tumayo ako ay hindi nawawala ang aking pagkaantok.  Ngunit sa oras na tanggalin ko ang aking headset, lalo na kapag uwian na, ora mismo nawawala ang antok ko!

Isa pa sa napansin ko ay biglang bumabagal ang takbo ng oras kapag suot ko ang aking headset.  Ngunit bumibilis ito kapag tinanggal ko na.  Mas kapuna-puna ito tuwing 15-minute break at lunch ko.  Anong kababalaghan ito?  May kinalaman ba ang mga headset sa Time Dilation at Theory of Relativity ni Einstein?

Ano ba ang meron sa mga headset?  May taglay ba silang kapangyarihan?  Ito na ba ang totoong gamot sa insomnia?

Inaanyayahan ko kayong ibahagi ang inyong mga karanasan sa inyong mga headset.

12 thoughts on “Ang Kapangyarihan ng Headset!

  1. Napakamakapangyarihan ng headset. It saves me!

    Nung magpapatayan na yung ofcmates ko (dalawang barako) halos magmurahan at kinakabog talaga yung dibdib ko sa kaba, bumili ako ng in-ear headset kinabukasan. O yan, patayan kayo, I dont care!

  2. ang headset ay may kakaibang phenomena na kung tawagin ay “TIME SPACE WARP”. unti-unti nitong iniipit ang ulo mo para matigil ang sirkulasyon ng dugo papuntang ulo upang maging sanhi ng antok at pag suot mo na ay biglang napupunta ka sa kakaibang dimension na kung saan ay nagpapabagal ng panahon. kahit log-outs ay sobrang bilis pag hinubad mo na ung headset kc ikaw ay bumabalik sa tamang time frame….😮

  3. Sa office namin hindi automatic answer kaya hindi nakakakabit ang headset sa ulo ko. Masakit kasi sa tenga e. T.T

  4. oo nga! kahit tanghaling tapat pa yan!! anung meron sa headset at talagang it causes dizziness,drowsiness and sleepiness??na parang uminom k ng sleepazil? haha

  5. bwisit kaya sa amin…300 calls per shift
    mga bopols na client, magswitch on lang
    ng cellular phone tinatawag pa hahaha…
    well headseat favorite gadget ko yan
    hahaha…yung dating gamit namin masakit
    sa ulo akala mo nagwowork ka sa tv station yung
    may bibit na camera ba yun hahah basta yun na yun

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s