Graduation Na Naman!

Hay, ang saya talaga kapag graduation na. Nakakaiyak. Parang ayaw mo pero gustong-gusto mo. Biruin mo nga naman, matapos ang ilang taong pagbubulakbol, este, pag-aaral pala, ay makakagraduate ka na din sa wakas. Hindi mo na makikita ang kinaiinisan mong teacher. Magkakahiwalay na ang barkada. Wala ng assignments, at projects. Hindi na kailangan pang magsulat sa notebook. Sabi nga eh, ngayong graduate ka na, pwede ka ng tumambay sa bahay. Hehehe.

Pero siyempre ang goal ng mga graduates ay makahanap ng magandang trabaho. Magbibilihan yan ng mga damit at sapatos para may maisuot sa interview. Pagandahan din ng mga resume. Tuwing linggo bumibili din sila ng mga diyaro para sa classified ads. Busy ang lahat sa paghahanap!

Lilipas ang ilang buwan at makikita ng karamihan na napakahirap pala maghanap ng trabaho dito sa atin na akma sa kursong tinapos mo. May mga naghahanap ng engineers kaso hindi naman tumatanggap ng newly grads. Kailangan with 4 years experience. Mayroon naman mga simpleng desk job lang pero kailangan graduate ng 4 year course. Nakakadiscourage tuloy para sa marami ang paghahanap ng trabaho. Pakiramdam nila hindi sapat ang 2 taon, 4 na taon, o higit pa na pag-aaral sa kolehiyo. Para kasing napaka-unrealistic ng mga qualifications na kailangan para lang makapasok sa isang simpleng trabaho.

Marami tuloy ang napipilitang pumasok sa mga trabahong wala namang kinalaman sa kanilang kurso. May mga pumapasok sa mga factory, may nagdodomestic helper sa ibang bansa, may mga nagbabantay ng mga shops, at siyempre mabentang-mabenta ang mga call centers. Tiyak dagsa ang mga mag-aaply sa mga call centers. Bakit naman hindi? Malaki ang kita at halos lahat ng kakilala mo ay sa call center nagtatrabaho.

Minsan nga natatawa ako kapag nalalaman ko ang mga kursong tinapos ng mga katrabaho ko. May mga engineers, nurse, chemist, biologist, mathematician, food critic, at kung anu-ano pa. Ako nga nakalimutan ko na ang natutunan ko sa computer programming. Puro protocols and spiels na lang ang alam ko ngayon. Marami nagsasabi diyan na pansamantala lang ang pagca-call center. Pero lumipas na ang mga taon pero hindi pa rin sila nakakaalis. May iba na palipat-lipat lang, call center hopping, ika nga.

Maganda mag-trabaho sa call center kung gusto mong kumita ng malaki. Marami rin namang benefits. Pero kung gusto mo ng career, malabong makuha ito sa call center. Oo, may mga agents noon na mga big time bosses na ngayon. Pero maliit lang na porsyento sila ng mga agents. Siguro nasa 1% lang ang talagang nakakakuha ng magandang career. At malamang yun ay ang mga nakapagtapos ng mga management courses, o kaya eh psychology. Paano naman ang mga engineers, chemist, at mga nurses? Wala naman silang alam at interes sa management. Hindi naman lahat napropromote at marami ang ayaw magpapromote. Mayroong gusto pero hindi sapat ang natapos na kurso. Lumipas na lang ang mga taon pero hanggang ngayon karamihan sa atin ay mga agents pa rin.

I’m not really complaining. Just being realistic. Realistically, magandang magtrabaho sa call center. Malaki ang kita. Maayos ang environment basta kaya mo i-handle ang stress. Pero minsan, hindi mo talaga maiwasan na isipin: “Ano kayang nangyari kung engineer ako? Ano kaya kung nurse na ako? Ano kaya kung doktor na ako?”

Ano kaya…?

Note: Hindi po ako suma cum laude!!!

7 thoughts on “Graduation Na Naman!

  1. nakakatawa talaga yung mga comics mo. panalo! haha! apir!😛

    oo nga ang dami ngang hiring now eh. naalala ko grad season nga pala. sa office din namin, iba iba ang courses na tinapos. ang ending=call center.

    pero sabi nga di naman habambuhay to dba?🙂

  2. ouch! natamaan ako dun ah! wala akong shield eh. hehe. shet oo nga eh. pero ganun talaga, ako, i’m being practical because i need to earn more. hndi rin naman ako nagsisisis kasi nageenjoy din naman ako sa work dahil sa mga naging friends at iba pang nakakasalamuha ko. pero, shet talaga. haha! balang araw din magagawa ko rin ang dapat kong gawin. yeh!

  3. wow buti nalang undergrad ako… actually, yan ang prob ng kapatid ko, pinagaral sa magandang school then call center agent ang basak.. but like everybody’s saying, they’re just being practical… sa hirap ng buhay ngyon, magwork ka sa magandang company 8K lang ang sweldo mo… makakabuhay ka ba ng pamilya don?…

  4. Hello! I stumbled upon this article at ni-link ko pala ito sa Facebook ko. =)

    Natawa talaga ako sa post mo at the same time nadala. Nung grumaduate ako last year ng Journalism idealistic din ako at pinangarap na maging isang prolific na newspaper columnist. Then it hit me na grabeng impractical at unrealistic ng pangarap ko.

    May course nga sa Lyceum na International Relations pero higit sa 90% ng mga graduates nito ay call center din bagsak.

    Again I enjoyed your article. Thanks and cheers! ^^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s