Let’s Yosi Break!

Makikita mo sila tuwing break nila. Nagmamadali at halos tumakbo na. Hindi mo alam kung may emergency o baka may humahabol sa kanila. Pero wala ka namang dapat ipag-alala. Isa lang naman ang nasa isip nila. Yosi break!

Ang pagsisigarilyo ang isa sa mga bagay na automatic na iniuugnay sa buhay call center. Bakit naman hindi. Ayon sa estatistikang gawa-gawa ko lang ay halos 90 percent ng mga call center agents ay naninigarilyo. At kung ikaw ay pumasok sa call center nang hindi naninigarilyo o nagquit na, tiyak hindi magtatagal ay may hawak ka na ulit na yosi.

Ewan ko ba kung bakit hindi ako natutong magyosi. Wala rin naman kasing nagturo sa akin. Kahit noong high school ako nagyoyosi ang mga classmate ko pero hindi nila ako tinuruan. Sabi ko nga pag may nag-alok sa akin magyoyosi ako. Kaso tumanda na lang ako pero wala naman nag-alok.

Kuya ko nga smoke belcher. Lagi ko nga sinisita, sagot naman niya lagi pang-alis daw ng pagod. Sabi naman daw ng iba pang-alis daw ng gutom, lalo na kapag nagdi-diet. Sa totoo lang hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng sinasabi nila o nagpapalusot lang para makapag-yosi.

Siguro kasama na talaga sa tinatawag na “fast-paced lifestyle” ang paninigarilyo. Lalake, babae, bakla, tomboy. Pare-pareho lang pagdating sa pagyoyosi. Kung may dala kang yosi at may nanghingi sa’yong katrabaho, kailangan bigyan mo. Kapag walang dalang lighter, pwede kang makisindi kahit sa hindi mo kakilala. Parang pagdating sa paninigarilyo ay nagkakaisa ang mga tao. Nagkakaintindihan. Paano kaya kung lahat nagyoyosi? Magkakaroon kaya ng world peace?

Palagay ko kasi maagang mamamatay ang mga tao dahil sa cancer.

Hehehehe!

11 thoughts on “Let’s Yosi Break!

  1. pag yung mga kasama ko nag yoyosi tapos nakikisindi lang sa iba sinasabi ko “bibisyo bisyo wala naman pala pambili ng lighter bwahahaha!” ako din never ako na yosi haha!

  2. Love the comic strip Martin. It made me smile!!! At times, I wondered that way too. Only I was thinking of being barbequed in hell…har-har-har….

  3. Ayos Martin! I’m one of the few 10% na hindi nagyoyosi, feeling ko kasi mamamatay ako from suffocation sa amoy pa lang.. Para sa mga nagyoyosi Vitamins nila yun.. Kaya and asawa ko pag lumalabas pagkatapos kumain, alam ko na yon.. Sasabihin ko na lang sa anak kong 1 year old kapag humahabol, “‘Nak, magvavitamins lang si Daddy..”.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s