Mga Mandurugas na Taxi

Naku ang tagal ko ng hindi nakakapagpost. Sobra akong busy nitong buwan na ito. Hindi ko na tuloy nahaharap ang pagblog.

Anyways, last week muntik na akong ma-late dahil tinanghali ako ng gising. Sobrang pagmamadali ko tuloy hindi na ako kumain bago umalis. Buti na lang at maraming taxi sa atin. Nandyan sila palagi kapag kailangan ng masasakyan.

“Manong, pakibilisan medyo mala-late na kasi ako,” sabi ko sa driver.

“Walang problema,” nakangiti naman niyang sagot.

Medyo nakarelax na ako. 10 minutes na lang bago magtime pero alam ko na aabot ako.

Napatingin ako sa metro ng taxi. 35 pesos. Nang bigla akong may nakitang isang karatula. Binasa ko habang mabilis naming dinaanan. Pagtingin ko sa metro, 47 pesos na!

Wow! Hanep ang metro ni manong! Parang time machine, tumatalon sa future. Hindi ko na lang binanggit. Pagdating sa building namin halos sobra ng 30 pesos sa usual na pamasahe ang siningil ni mamang driver. Pagbaba ko sabi ko, “Manong ayusin nyo metro nyo!” sabay bagsak ng pinto.

Hay, nakakainis talaga ang mga taong nanlalamang ng kapwa. Pare-pareho lang naman tayong nagtatrabaho. Bakit kailangan pa nilang gawin iyon? Kaya hindi umaasenso ang Pilipinas eh. Darating pa kaya ang panahon na magbabago tayo? Baka hindi na. Parang inborn na yata sa atin ang ganitong ugali.

Anyways, pasensya na ulit sa matagal kong hindi pagpopost. Salamat sa patuloy niyong pagbisita dito. Hayaan niyo, naka-line up na ang mga susunod kong komiks! Abangan niyo ha!

At lagi kayong mag-iingat sa mga mapang-abusong taxi!

9 thoughts on “Mga Mandurugas na Taxi

  1. Sobrang sangayon ako at bwisit na bwisit na sa mga taxing mandurugas. Karamihan pa sa mga taxi driver na yan, kapag sinita mo, aba eh, sila pa ang galit.

    Sana lang marunong silang maginternet para sa gayun eh nababasa nila ang mga ganitong klaseng mga kwento at ng medyo makonsensya naman sila ng konti. Lalong lalo na sa mga operator ng mga taxi na wala ding pakialam kundi ang kumubra lang ng boundary.

    Haaayyy…

  2. dapat sinabi mo sa manong driver eh “excuse me manong araw araw akong sumasakay ng taxi at hindi pa umaabot ng ganyang presyo ang binabayad ko!” sabay abot ng usual pamasahe lang.

  3. Ngayon alam ko na kung anong sasabihin ko kapag napuna kong mabilis ang metro ni manong. “Manong, ayusin nyo metro nyo!” Nice one Marts!

  4. dapat Mart, hinabol niyo haha.. in fairness natawa aku dito haha..
    oo marameng mga kups na taxi driver kaya dapat sakyan n taxi ung dilaw or ung may pangalan na kse pag puti or private minsan may batingting un, may ganyan din ako nasakyan nung jan pa ku sa KGB T_T huhu ay tlgang inaway ko pero hehe binigay ko paren kung ano ung nasa metro niya.. baet naman kse ako.. :p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s