May Pasok Pa rin Kaya Kapag Delubyo Na?

(Itong komiks na ito ang kauna-unahan kong komiks na idrinowing kaya pasensya na kung panget.)

Last year ay lumubog tayo sa Ondoy. Tapos niyanig ang Haiti. Hindi pa sila nakakarecover bigla namang nilindol ang Chile. Tapos may El Nino pa at global warming. Hay, ano na ba ang nangyayari sa mundo? Akala ko ba sa 2012 pa magugunaw ang mundo? Mukhang hindi na ata makapaghintay at sinisimulan na ngayon.

Nakakatakot naman talagang isipin ang mga nangyayari ngayon. Talagang wala tayong kalaban-laban pag nagalit ang kalikasan. Kung baga mag-aantay ka na lang na lumipas ito at magpasalamat kung buhay ka pa. Tapos, simula ulit at maghintay ng susunod na catastrophe.

Grabe ang sinapit natin kay Ondoy. Palibhasa hindi tayo handa kaya ang daming buhay ang nawala at bilyon ang nasirang ari-arian. Ganoon din sa Haiti at sa Chile. Hindi ko tuloy maiwasan na mag-isip kung anong klaseng sakuna pa ang darating.

Naalala ko noon kay Ondoy, hindi ako nakapasok. Patay kasi ang transportasyon sa amin. Ma-iistranded lang ako kung pilitin kong pumasok. Yung ibang mga katrabaho ko na pumasok, sabi nila sobra daw ang dami ng calls. May mga nag double at triple shift pa nga dahil hindi na din sila makauwi. Naisip ko tuloy, siguro kung nasa opisina ako baka napaiyak ako sa pag-aalala sa mag-ina ko.

At yan lang naman talaga ang inaalala ko. Huwag naman sanang pahintulutan ng Diyos, pero kung magkakaroon man ulit ng matinding delubyo ay sana kasama ko ang pamilya ko. Ang hirap din nung nasa trabaho ka. Wala kang magawa kundi ang mag-alala.

Dapat talaga ay simulan na nating galangin ang kalikasan. Wala naman tayo magawa kapag binalikan tayo nito eh.

Hay buhay nga naman…

4 thoughts on “May Pasok Pa rin Kaya Kapag Delubyo Na?

  1. sir, kung pwede po hiramin ko lang ‘tong photo na ‘to for my own cc blog. tsaka yung ibang pics and blog entries ia-attach ko rin sa emails ko. papadala ko sa lahat ng teammates ko para may mabasa kami habang avail.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s