Bilog na Naman ang Buwan!

Naku, bilog na naman ang buwan. Ang sarap umabsent. Hehe. Parang ang sarap mag-inuman kapag bilog ang buwan. Maliwanag kasi. Para kang mapapraning.

Bakit nga ba mapapraning ka kung bilog ang buwan? Sino ba ang nagpa-uso nito? Baka naman para lang sa mga werewolf ito? Pwede ba talaga itong gamiting dahilan kapag aabsent?

Buweno, sabi nila, nakakaapekto naman daw talaga ang bilog na buwan sa ugali ng mga tao. Example daw ang dagat at ang tides. Ang tides ay resulta ng gravitational pull ng buwan sa mga dagat. Kapag hinihila ng buwan ang dagat, nagreresulta ito sa high tide. Ngayon, kung ang dagat daw ay naapektuhan ng buwan, paano pa raw kaya ang mga tao na composed of 90% water?

Well, sa totoo lang ay medyo malabo ang kanilang conclusion. Kulang ata sa research. Sa tingin ko, applicable lang ito sa mga nag-iinuman. Dapat pakonti-konti lang ang inom dahil mas madali kang masusuka. Hihilahin kasi ng gravity ng buwan ang alak palabas ng katawan mo!

Pero aaminin ko na iba talaga ang pakiramdam kapag bilog ang buwan. Parang buhay na buhay ang gabi. Parang ang dami mong puwedeng gawin. Kaya siguro ay parang nabubuwang ang mga tao dahil parang ang sasaya nila at ang dami nilang gustong gawin.

Ngayon, sa lahat ng aabsent diyan, mag-isip-isip muna kayo. Mahirap ng mapagkamalang praning.

3 thoughts on “Bilog na Naman ang Buwan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s