Tanghali Na, Matulog na Tayo

Hay ala-dos na ng tanghali. Oras na para matulog. Para magising ng alas-nuwebe ng gabi dahil papasok na sa trabaho. Ganyan talaga ang buhay call center. Tulog pag maliwanag. Gising pag gabi. Parang kuwago lang.

Mahirap din lalo na kapag ikaw lang ang nagtatrabaho sa call center sa bahay niyo. Lahat ng tao gising habang ikaw tulog. Pag tulog naman sila ikaw naman ang nagtatrabaho. Hindi na tuloy kayo nagkikita. Ang tawag tuloy sa iyo ng mga magulang mo ay border.

Ganyan din ang sitwasyon sa isang pamilya. Ang hirap budgetin ng oras. Kailangang pumasok sa school ang anak mo sa umaga. Kailangang magluto, maglaba, maglinis ng bahay. Ang daming kailangang gawin. Minsan tuloy hindi mo na nakakasama ang anak mo. Wala ng quality time. Minsan tuloy ang nagbabantay sa mga bata ay TV o computer. Marami tuloy ang nagkakaroon ng iba’t ibang bisyo.

Kaya dapat mag-ingat. Kailangang palaging sikapin na makasama natin ang ating pamilya. Tulungan natin sa mga assignments nila ang ating mga anak. Kamustahin sila palagi. Kamustahin ang mga kaibigan nila. Baka hindi natin alam ay napapabarkada na sila o baka napapalayo na ang kanilang loob sa atin. Kailangang alagaan natin ang relasyon natin sa ating pamilya.

4 thoughts on “Tanghali Na, Matulog na Tayo

  1. hayyy… buhay call center nga naman. talagang mahirap lalo na sa umpisa. kailangang mag adjust ng katawan mo sa pabago-bagong schedule

    since november until now, RESIGNATION ang nasa utak ko, naghahanap lang ng timing, hirap na kasi sa call center.. gusto ko ng maging tao ulit.. hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s