Mali Yata Ako ng Napasok na CR.

Nagmamadali ka na dahil naiihi ka na kaso yung caller mo ang kulit-kulit.  Tapos biglang nag-drop si caller.  Log-out ka bigla at nagmamadaling naglakad papuntang CR.  Pagbukas mo ng pinto, bigla kang natigilan.  Ang lakas ng tibok ng puso mo.  Nanlamig ang pakiramdam mo.  Parang hindi ka makahinga sa takot na mapahiyang mali ang CR na napasok mo.  Mabilis kang lumingon sa sign na nakadikit sa harap ng pinto ng CR.

Panglalaking CR.  Hindi ka nagkamali.  Biglang luminaw ang lahat sa iyo.  Hindi pala babae ang nakatayo sa harap ng salamin at nagma-make up.

Cross-dressing.  Isang phenomenon kung saan ang isang  pagsusuot ng damit at accessories ng ibang kasarian.  Mga lalakeng nagdadamit babae.  Mga babaeng nagdadamit lalake.  Kahit saan makakakita ka nito.  Mga bading na nakadamit babae, at mga tomboy na nakadamit panlalake.

Although dito sa Pilipinas ay very open na ang pagiging miyembro ng third sex, minsan nakakataas pa rin ng kilay ang pagcro-cross dress.  Para sa iba, ayos lang ang pagcro-cross dress kung manonood ka ng mga show o pumunta ka sa mga bars.  Pero kung pupunta ka sa mga mall, palengke, o opisina, parang masakit sa mata nila ang mga nakacross-dress.  Lalo na sa mga bading na nakatube, miniskirt, at ang hahaba pa ng buhok.  Ayon nga sa mga napagtanungan ko, hindi daw normal tingnan.

Nagkaroon na nga ng issue sa company namin kung ayos lang ba ang cross-dressing.  Mahigpit kasi ang dress code samin.  Gusto yata itong ipagbawal ng management.  Well, tagumpay ang mga cross-dressers.  Hindi naman yun basta-basta maipagbabawal.  Pagkatapos nito ay nabuhay naman ang issue kung pwede ba sila mag-CR sa CR ng mga babae kapag nakadamit pangbabae.  Nagdebate ang mga nasasangkot.  Ang resulta: hindi pwede.  Pwede lang sila gumamit ng CR ng pangbabae kung nagpasex change sila.  Kaya hanggang ngayon, nagugulat pa din ako kapag may nakikitang nakaskirt tuwing magC-CR ako.

Pero may mali ba talaga sa ganitong gawain?

Tiyak na magagalit ang mga nagcro-cross dress at sasabihin nila na wala naman silang ginagawang masama at sinusuot lang nila ang kung ano ang kumportable sa kanila.  Tama naman sila.  Wala naman tayong mga batas na nagbabawal sa pagcro-cross-dress.

Well, ang problema naman talaga ay nasa perception ng mga tao.  Kung ano yung bago, kung ano ang kakaiba, madalas pinagtataasan ng kilay.  Wala rin namang masama doon.  Lahat tayo ay may kanya-kanyang set of beliefs na nabuo simula pa noong tayo ay mga bata pa, at ito ay patuloy na nadadagdagan at nagbabago.  Meron talagang mga bagay na maganda sa iba, pero mahirap tanggapin para sa iba.  Ganyan talaga ang mundo, magulo, hehehe.

Anyways,  if I may put my two cents in (although no one is asking for it), cross-dressing is fine as long as it’s appropriate.  Kung gusto mong magsuot ng micro skirt dahil komportable ka dito, sige susuportahan taka.  Basta siguraduhin mo lang na hindi ka mababastos at mabubugbog sa lugar na pupuntahan  mo.  Siyempre kailangan nating respetuhin ang ating sarili at siguraduhin na nirerespeto tayo ng ibang tao.

Understanding lang at open mind ang kailangan sa mga issue na ito.  Pero dapat both sides ang nagbibigay.  Dapat sikapin ng mga detractors na maintindihan (kung hindi man matanggap) ang mga nagcro-cross dress.  Ganun din naman, kailangang maintindihan ng mga nagcro-cross dress ang  mga taong tutol sa ganitong gawain.  Bigayan at respeto lang  sa isa’t isa.

Laging tandaan, a person is not defined by the clothes they wear.  They are defined by the amount of cash in their wallet and their bank accounts! Joke!

9 thoughts on “Mali Yata Ako ng Napasok na CR.

  1. ang problema lang naman don eh may pinag-babagayan kasi yung iba nagsusuot kasi gusto lang nila wala sila pakialam kahit di naman bagay sa kanila kaya ang labas mukha na silang katatawanan di mo alam tuloy kung updated sila sa fashion at kung meron silang fashion sense or fashion victim!

  2. hahahahaah……
    meron akong friend from Belgium pa nga, cross dresser ang loko… ohmeegosh!! bisexual ata or straight ewan.. ang pangit !!! hhahaha,,, oopppsss di naman sa pinagtatawanan ko ang mga ganyang tao no, pero syempre, ilagay naman sa lugar… sabi nga ng nanay ko at lola ni martin , nung ako eh bata pa marami akong friends na bakla… sabi ko ke nanay eh bakla naman sila gurlzh katulad ko sabi nanay… kahit na lalaki pa rin yan, may lawit hahahaha….. so kung cross dresser ka at guy ka gusto mo punta CR sa male CR ka pa din punta… dun pede kang mabugbog, asarin, insultuhin, so kung walang respeto ang isang cross dresser eh yan talaga ang mapapala nya…
    meron namang mga cute… at parang ang gandang tingnan… pero ung iba naku po!!! susmaryahosep! bahala ka na mag judge sa sagot ko hahaha..

  3. Well Marts, gusto ko itong blog mo na ito. It opened up my mind. Ayaw ko sa cross-dressers, ayaw ko sa kanila!!! Lol! Tinatago ko yan para di makasakit, but now I know it’s okay pala na ipakita ko na ayaw ko sa mga cross-dresser. Tama ka, kung gusto nila tanggapin sila for ‘what’ they are, tanggapin din nila na may mga taong katulad ko na naaalibadbaran sa kanila! Lol, this blog is so liberating man!!! Kudos!!!

  4. nabiktima na din ako neto.. habang nakaharap ako sa urinal may nakita akong pumasok seksi… sabi ko pwede na pala babae dito sa cr ng mga lalaki ngayon. wahaha yun pala syudi sya…

    may kilala ako sa account namin, everyday ata parang may cocktail party sa floor kasi everyday siyang nakacocktail dress… sayang sya pogi pa naman kung naging tunay na lalaki… pero ang ganda din nya ngayong babae na sya.. nakahanap pa sya ng barkada sa mga new hires…ngayon 5 na sila.. hehehe

  5. Hahaha….Nakakatuwa nga eh. Ok nga ito na pampagising. Biro mo sigurado kang sa mens room ka pumasok tapos me babae doon, parang fantasy made real in reality, then you go into reality checking, teka gising naman ako, oo nga pala me mga girls with #$%# nga pala dito. Hahaha….edi nagising ka…

  6. guys, worry not kc hindi lang naman kau ang my ganyang taranta at pakaba moment!! kami ring girls sa cr namin merong ganun..it may not be as startling as the guys’ but it makes ur heart pound as well.. not as much dahil na rin sa layout ng cr itself, hehe

  7. Lol.. . madalas mangyari sa akin yan sa opis pagpasok ko sa c.r bgla na lang my lalabas na cubicle na nkabihis babae na long hair at mnsan napapaisip ako kung girls restroom ang napasukan ko un pala isang crossover na 3rd sex lang pala ang lumabas hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s