Bakit Mahal ang Magmahal?

Valentine’s Day na naman.  Marami na naman ang kumitang nagtitinda ng mga roses, chocolates, stuff toys, at kung anu-ano pa.  Kumita din ang mga restaurants, malls, at siyempre mawawala ba naman ang mga motel.  Nagulat nga ako, sa sobrang dami ng taong pumupunta ng mga motel ay may pila na at may number pa ang mga naghihintay!  Ang gastos talaga pag Valentine’s ano?  Siguro ganyan lang talaga kapag mahal mo ang isang tao.  Kahit ano ibibigay, mapangiti at mapasaya lang.

For example, ang sister ko (sensya na sis, wala na naman kayo eh).  Ang ex niya nabigyan niya ng mga sapatos, cellphones (yes, cellphones with ‘s’), at damit.  Nilibre pa ng bakasyon sa Cebu si boylet.  Wow, ang haba ng buhok ni guy!  O sadyang, may sayad lang ang kapatid ko?  Mahirap sabihin.  Eh ano naman ang kinalabasan?  Ayun, nakipagbreak ang lalake sa kanya!  Kawawa naman si sis.  Namayat tuloy dahil nadepress.

Ang asawa ko naman, galante din pag nagbibigay ng regalo.  Binili niya ako ng relo, damit, wallet, at kung anu-ano pa noong magboyfriend-girlfriend pa kami.  Wala naman siyang hinihinging kapalit.  Gusto lang talaga niya akong regaluhan.l  Nahihiya nga ako sa kanya kasi hindi ako materialistic na tao.  Hindi ako mahilig magbibili ng mga gamit ko, kaya hindi ko din nakaugalian na bumili ng isang bagay para sa isang tao.  Minsan nga birthday niya, card lang ang ibinigay ko.  Nakakahiya ano?

Well, nag-eeffort naman din ako.  Binibili ko din siya ng mga regalo.  Yun nga lang, hindi ako masyadong magaling mamili kung ano ang magandang regalo.  Hindi kasi ako nasanay.  Pero masaya ako na kahit ano ang ibigay ko sa kanya, masaya siya.

Anyways, balik topic tayo.  Bakit mahal ang magmahal?  Ganun ba talaga ka-importante ang material things sa isang relasyon?  Hindi man magandang pakinggan, mukhang oo.  Minsan nga ito pa ang nagiging dahilan kung success o hindi ang isang relasyon.  Dumadating pa nga sa punto minsan na nagbibilangan na ng regalong naibigay.  Panget, pero totoong nangyayari.

Masarap kasi talaga magbigay ng regalo sa taong mahal mo.  Kahit maliit na bagay o mahal na bagay, basta maibibigay mo, ibibigay mo.

Sa tingin niyo, normal ba ito?  Ano ba ang limitasyon ng pagbibigay sa isang relasyon?  Kailangan bang tumbasan mo ang bawat regalong ibinibigay sa iyo ng mahal mo?  Sino ba ang dapat mas galante, lalake o babae?  Dapat bang bawiin ang mga regalong ibinigay kapag nagbreak na?  Bakit ba laging roses ang ibinibigay pag Valentine’s?  Bakit hindi pwedeng gumamela?

Kayo, ano ba ang regalo natanggap niyo ngayong Valentine’s Day?  Isa ba kayo sa mga pumila sa mga motel?

4 thoughts on “Bakit Mahal ang Magmahal?

  1. Happy Heart’s Day sa lahat!!!

    Normal naman na gusto natin ibigay lahat ng pwede at kaya natin ibigay sa taong mahal natin. Parte ito ng pagmamahal natin sa kanila at nagiging masaya tayo pag napapasaya natin sila. Kaya para sa ‘kin, ‘di ako nag-iintay matumbasan ang mga binibigay at ginagawa ko para sa mga mahal ko. Basta minamahal at mamahalin nila ako; ok na sa ‘kin yun.

    ‘Di ako agree na dapat mag bawian ng mga gifts pag nag break na ang mga mag boyfriend/girlfriend. Once na nabigay mo na ang isang bagay ‘di mo na yun pagmamay-ari. Bahala na ang bagong owner kung ano gagawin niya sa binigay mo. Lahat naman ng bagay/tao may limitasyon. Unawain natin ang sarili natin para maunawaan din natin ang ibang tao.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s