“Are You An Indian?”

Are you an Indian?

***Correction: Sabi ni Aaron ay kay Master Dondi Carillo daw ang hirit na ito. You rock Boss Dondi***

Ano ba ang naiisip ng caller at tinatanong tayo ng mga ganitong tanong?  Kung papakinggan naman ay hindi naman tayo tunog Indian.  Madalas nga eh very American ang accent ng mga agents.  Yun bang tipong ang pronounciation ng Internet ay “Inernet”, ang International ay “Inernetional”, at ang button ay “bu-on.”

Well, obviously, those people are looking down on us.  By comparing us to Indians, they seem to be saying that we are incompetent and nothing but fools.  That they are superior to us.

That is what I don’t understand.

What’s wrong with being compared with the Indians? I sure can’t see any negative in that.  There are lots of brilliant Indians out there.  A lot of the best doctors and engineers in the world are Indians.  So, why look down on them?

Ang impluwensya ng India sa mundo ay hindi rin matatawaran.  Ang kanilang kultura at sining ay makikita sa buong mundo.  Ang kanilang movie industry ay halos kasing laki ng Hollywood, kaya tinawag itong Bollywood.  Masarap ang Indian food!  Nandiyan ang Shawarma, Curry, at kung anu-ano pa!  (Parang nagugutom ata ako ah)

Siguro ganun lang talaga ang mga tao.  Kabilang na ata sa genetic material natin ang pagiging racist.  Hindi na ito mawawala.  Kahit tayong mga Pilipino, mga racist.  Hanggang ngayon pinagtatawanan pa din natin ang mga maiitim, na madalas nating tinatawag na nognog, sunog, ulikba at kung anu-ano pa.  Ang mga Bisaya ay madalas ding tampulan ng tukso, dahil sa kanilang punto.  Ang mga matataba, payat, pandak, bingot, ngongo, bakla, duling, banlag, at pango, laging nakikita, laging inaasar.  Minsan nga nakakaapekto pa ito sa paghahanap ng trabaho, pagpasok sa isang eskwelahan, pagsali sa isang grupo o club, at pakikipagkaibigan.  Kaya kahit paano ay naiintindihan ko (konti lang, pero hindi pa rin katanggap-tangap) kung bakit ganoon ang tingin ng mga puti sa mga hindi puti.  That we will never be good for them.

Siguro hindi na din mawawala ang racism.  Oo, bagama’t wala ng pinapatay dahil sa lahi ng isang tao (kung meron man, super konti na lang) hindi din nawawala ang negativity at feeling of contempt towards people of other race.  Parte na siguro iyon ng pagiging tao. At kung hindi ka nakakaramdam ng ganito, hindi ka tao. Isa kang diyos.

Kaya sa mga Indians, pautang naman.

20 thoughts on ““Are You An Indian?”

  1. Nag simula kasi ang mga call center sa India at ‘lam naman ito ng halos lahat ng mga tao kaya siguro nasanay na ang mga callers na pag medyo sumabit tayo sa pronunciation/grammar or talagang bingi/slow lang sila kaya ‘di mag kaintindihan eh baka nasa India o Indian tayo kaya ganun.

  2. Nasa India kasi cguro ang karamihan ng mga call centers…..kaya akala nila Indian tayo hehe!!! Pero yung mga Briton na kausap ko everyday, ung iba dun na masusungit at racist mas tunog indian pa kesa saken haha!!!

  3. ang company ko ngayon indian ang boss. sa totoo lang, silang mga indian ang mababa ang tingin sa ating pilipino! yung iba sa kanila okay, mababait din, pero karamihan sa kanila tingin nila sa sarili nila nakaaangat sa atin at intimidated sila sa pinoy, kasi NASASAPAWAN sila!

  4. familiar ung name na dondie siya ba yung tl sa sms sa kgb sta. rosa makulit yun eh pero ang alam ko may gf siya dun na agent yung pretty na chubby, nakalimutan ko na ang name.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s