Bakit ang Tagal Mag-CR ng mga Babae?

Uhmm… medyo mabigat ang mga topics ng mga nakaraang posts ko ha.  Naku baka mabaliw tayo niyan kakaisip.  Mabuti pa medyo magaan lang muna ang i-post ko.

Sigurado napansin niyo din ito.  Kapag nag-CR ang mga babae, sobrang tagal.  Sa mga mall, sa office, talagang mahina ang 5 minutes.  Madalas tuloy bumabagsak ang productivity/adherance/compliance sa trabaho.  Anyways, ano ba ang ginagawa ng mga babae sa CR kaya ang tatagal nila?

Obviously, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa loob ng CR ng mga babae.  Katulad din lang kaya ng hitsura ng CR nila ang CR ng mga lalake?  Sigurado hindi.  Ang mga lalake kasi kapag nag-CR mabilis lang.  Tangalin ang sinturon at butones ng pantalon, ibaba ang zipper, do the deed, magpagpag pagkatapos, isara ang pantalon.  Tapos.  Siyempre dapat maghugas ng kamay.  Salamin konti.  Labas na ng CR.  Wala pang 2 minutes.

Ang mga babae mukhang maraming ginagawa sa loob.  Sabi ng asawa ko, ang malaking kaibahan daw ng pag-CR ng babae sa lalake ay kailangan ng mga babae maghugas pagkatapos magwiwi.  Tama naman siya.  Sabi niya kasi mas prone daw ang mga babae sa UTI kaya kailangang laging malinis at tuyo.  Pero maliban dito, ano pa ba ang dahilan ng pagtatagal nila sa CR?

Madalas pag napapadaan ako sa tapat ng CR ng mga babae sa office, may naririnig akong kung ano.  Akala ko multo!  Para kasing umiiyak na umuungol na pinipigiling huwag tumili.  Ang sabi nung boses, “Grabe…binati niya ko…ang gwapo niya talaga…!!!”  Tapos lagi pang may nagtatawanan sa loob.  May stand-up comedian ba sa loob ng CR nila?  Kapag tapos naman ng lunch namin ay diretso kagad ang mga girls sa CR at dun sila tumatambay sa loob ng 40 minutes.  Ano ba ang gagawin mo sa CR sa loob ng 40 minutes?  Toothbrush?  Hilamos?  Retouch ng make-up?  Siguro mga 15-20 minutes kaya na yun.  Pero 40 minutes?  Kaya nga sa tagal nila, ang tawag na nila dito ay “paliligo.”  Girl, tapos ka na ba maglunch?  Ligo na tayo.  Ang weird ano.

Isa pa sa napansin ko eh madalas, kapag nag-CR ang mga babae laging may kasama.  Bakit kaya?  May buddy system ba ang pag-CR?  Kailangan ba ng assistant sa loob?  Nakakatakot ba mag-CR kaya kailangan may kasama?  Siguro ilan lang ito sa mga dahilan kaya ang haba ng pila sa CR ng mga babae.

Well, mga babae diyan pwede kayo magcomment dito.  Alam ko medyo mababaw lang ang topic na ito pero sana na-enjoy ninyo (o kahit natawa man lang sana kayo sa comics).

18 thoughts on “Bakit ang Tagal Mag-CR ng mga Babae?

  1. Ang pinakamatagal na aktibidad ng mga babae sa loob ng CR ay ang pag-aadmire sa sarili sa harap ng salamin! Retouch, tapos pose, pose, pose, front view, side view, back view. Tanong sa kasama, “Pangit ba yung suot ko?” “Okay ba yung blush on ko?” Pose, pose, pose. Chismis habang nagpopose. Hingian ng pabango. Pagco-compare ng kikay kits. (at syempre may pananalamin pa rin.) Kwentuhan habang nakatingin sa sarili sa salamin. Ang dalawang babaeng nagchicismisan sa CR hindi nakatingin sa isa’t isa ng diretso—-nagtitinginan sa salamin din. ^_^

  2. Hahaha!!! Natawa naman ako sa post na to’! Kelangan tlga may ksama kc nga magchichismisan pa……medyo mtgal din ako sa CR kc naglalatag pa ko ng tissue sa bowl bago umupo hehe!!!

  3. Well, kaya matagal kc nagpapaganda kami. Panu kung pglabas namin may cute na guy tapos di pla nakapag retouch at cologne. Sayang ang opportunity db… Kasama n dun ung tsismisan syempre pra di marinig ng boy n pinaguusapan hehe…

  4. Base sa mga information na nakalap ko…

    1. It’s a place where they pimp themselves up – that takes time, a lot of time.
    2. It’s a place where they bond – through tsismis or simply talking to each other or whatever
    3. There’s a lot of them in there. It’s not that they can piss on a urinal like us guys wherein they zip down and *tada* then zip up and go.
    4. They’re running away from some guy outside (in some cases), so they’re hiding in the girls room and waiting for him to go away.

    There might be more reason but since they’re girls, who knows.

  5. my make-up takes 15-20 minutes. toothbrush is about 1-2 minutes. wiwi is 1-2 minutes din. brushing my hair takes about another 5 minutes.

    regarding the long line, i guess that’s because girls prolly have a weaker bladder than the guys. ako every hour need ko mag-cr. my bf can hold it for 2-6 hours.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s