Sa Call Center Na Kaya Ako Tatanda at Mamamatay?

 Tenured ka na ba? 

Today is my 6th year anniversary working for our company.  Wow.  I’ve seen lots of things during those six long years.  I’ve seen our company grew from strength to strength.  I’ve seen our workforce grew from a measly 300 agents to over a thousand.  I’ve seen our company through the financial crisis, struggling.  I’ve seen people being laid off. I’ve met lots of people.  I’ve learned lots of things.

Whooh!  Now what?  What’s in store for me now?  This, I do not know.  The crystal ball remains blank.

Well, no need to sound gloomy.  I mean, it’s not the end of the world (sa 2012 pa daw yun!).  Malay natin gumanda ang susunod na mga taon.  Mabibigyan na din kami ng salary increase!  Magkakaroon ng 14th month pay.  Madadagdagan ang leave credits.  Magkakaroon ng free trip to sa UK.  Hay, ang sarap talagang mangarap ng gising.

Alam ko na hindi naman gaanong matagal ang six years compared sa ibang industriya.  But believe me, in a call center, 2 years is already long.  Madali kasi mabagot ang isang agent at magsawa sa trabaho.  Paulit-ulit kasi.  Madali din kasing lumipat.  Yan ang tinatawag na call center hopping.  Mas malaki pa naman ang offer kapag may experience ka na kaya yung iba lumilipat doon sa mas malaki ang offer.  Kaya attrition ang isa sa pinakamalaking problema ng mga call centers ngayon.

Paano ba makakatagal sa isang call center?  Siyempre iba-iba ang dahilan depende sa tao.  Yung iba ayaw umalis sa kanilang mga comfort zone.  Nakakatamad nga naman maging newbie na naman at magtraining.  Yung iba naman hindi maiwan ang mga kaibigan.  Sabi nga eh, pumapasok lang dahil sa mga ka-officemate.  Yung iba naman nawalan na ng lakas ng loob mag-apply.  Nakakatakot yata ang interview.

Sa akin, totoo ang lahat ng ito.  Pero siyempre meron pa din naman akong ibang gustong gawin.  Meron akong dream job.  Kaso sa kalakaran ngayon, mahirap makuha kung ano ang gusto mo.  Sobra taas ng requirement, maliit lang naman ang suweldo.  Kaya marami ang napipilitan pasuking ang magulong mundo ng showbiz, este, call center pala.

Sa mga kasama kong super-tenured, paano ba kayo nakatagal?  Okay lang bang tawagin nila tayong “the ancient ones?”  CSR pa din ba tayo after 2 years? 4 years? 10 years?

Nakakahilo isipin ano?

17 thoughts on “Sa Call Center Na Kaya Ako Tatanda at Mamamatay?

  1. dilemma ko yan ngayon, pinag-iisipan ko kung itutuloy ko pa ang pag-aaral ko na 8 years na in the making o hindi na, kasi pakiramdam ko, kung makagraduate man ako, sa call center na rin ang bagsak ko. bente tres pa lang ako, at iniisip ko kung kaya ko pa ba sa gantong trabaho until magsingkwenta ako.

  2. ako nga eh bagot na sa trabaho ko, pero magdadalawang taon pa lang ako sa oct..

    kakabagot nga naman talaga kapag paulit-ulit lang ung routine…🙂

    goodluck po sa buhay2x..🙂

  3. well, agree ako sa lahat ng comments nyo… in any job kapag routinary laging nakakabagot. I used to work as a Telemarketer in the past, but that is different because you have to sell the product, but the dialogue is always the same… ay leche!!! just a week lang, then i left,,,,,, THERE IS NO CHALLENGE in that kind of job!
    anyway, hindi lang sa call centre pedeng i-apply yang dilemna nyo, kasi in every job you do, routine lahat eh, like my last job back in Dubai na paulit ulit, araw araw, oras oras, minute by minute…. nakakasawa, na burnt out pa ako, na stress, nadepressed, puro tension!!! ay naku….
    pero dapat mag isip din kau, kung may pangarap kau sa buhay, kailangan magtiis, mag-ipon ng matupad ang gusto nyo… yan ang naging prinsipyo ko while working abroad…… sa pagtitiis, nakabili ako ng bahay at lupa. at isa pang lupa pa lang, at sarili kong kotse, may insurance na rin ako etc etc…. yan ang bunga ng pagtitiis ko….
    Kung dyan kau mabubulok sa call centre, know your priorities, ano ba ang gusto nyong gawin ? like magpundar ng bahay? madali lang yan kung marunong kau magsave… alam ko hirap buhay dyan pinas… but let me share you something….
    Sa abroad nangyayari din yan,,, yung mga kakilala ko dito mga Accountant, Engineer, mga skilled worker, oh btw, nasa Australia na nga pala kami 2 yrs ago pa. karamihan walang trabaho, kung meron man yung iba caregiver, or sales attendant, or driver or cleaner, oh di ba, mas maganda pa ang lagay nyo diyan, kaya kung magsasayang lang kau ng pera para mag-aral at Call centre din lang ang bagsak nyo eh naku ipunin nyo na lang at magtayo na lang kau ng sari-sari store….. no offense meant to anyone ha… so IT WILL BE YOUR DECISION… TO STAY BACK OR FIND ANOTHER JOB, OR LEAVE. kung happy ka naman kahit konti lang ang sweldo, at least may trabaho…. at least mas masarap kasi nakakalabas ka pa ng bahay. mag tiis at magdasal.. darating ang right time at magbabago ang landas na inyong tinatahak… hehehe,, Mart oks ba!!!

    • haba nun ah! parang sermon ng nanay! hehehe!
      ganyan talaga. ikaw swerte at hardwork kaya marami ka nakuha. bata pa naman ako siguro may panahon pa naman para maachieve ang mga pangarap.

      kaya nga sinisimulan ko na ngayon!!!

      • hahaah, eh gusto mo akong mag comment eh, yan tuloy nakikita kung gaano na ako katanda bwhahah….. kaya mo yan, bata ka pa, ang pagsisikap mo may bunga yan … basta ipagpatuloy mo ang pagmamahal mo sa work mo, kahit dyan ka pa tumanda basta happy ka, kung hindi naman eh pede ka naman maghanap ng ibang work na mas malaki ang suweldo, pero alam mo ang consequences, mahirap magsimula ulit, pakikisama, bagong boss, samantala dyan sa current work mo eh settled ka na… kahit nakapikit ka pa eh enjoy ang work mo di ba. malay mo balang araw magkaron na ng sariling call centre aba, bilib ako talaga sa u, sa abilidad mo!!!! sige uuwi ulit ako pag may call centre ka na heheh, joke joke..

  4. congrats sa 6th year bibwi. ‘lam mo naman ‘san ang lugar ko dito diba? if you’re very unhappy na ‘lam mo na gagawin diba…
    pero personal achievement din naman yan (mataas na value mo sa ibang company if you decide to switch jobs). aminado din ako di ko pa yan naa-achieve hmmmmm…
    wala naman impossible sayo matalino & very talented ka… ‘lam mo naman dapat gawin to achieve your/our goals diba? gawin mo na nga lang habang maaga pa para matapos na.

  5. honestly, pumapasok lng ako dahil sa mga kaibigan ko at sa mga chismis sa opis, hehe! mag-ipon lng me tpos bka iwan ko nlng 2ng industry na to…ayoko din tumanda d2. congrats martin!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s