Bakit ang Daming Single Mom sa Call Center?

Single w/ Dependents

Sa ngayon, hindi na nakakagulat malaman na ang isang katrabaho mong babae, maganda at bata pa, ay isa na palang ina.  Hindi na din nakakagulat na sila ay wala pang mga asawa.  Ika nga, single with dependent/s.  Hindi na din nakakagulat na sa isang iglap, ang isang ka-team mate mo ay biglang lolobo.  Buntis na pala.  At lalong hindi na din nakakagulat na malamang nagbreak na ang magsyota mong ka-office mate dahil buntis si gurlaloo.

Single moms.  Ten years ago, this is the worst situation for a woman to be in.  It’s better to die than to bear the shame.  Lots of daughters were disowned by their parents.  Lots of children grew up without knowing their father.

Not anymore.  Although many people still frown at the thought of a woman getting pregnant out of wedlock, single moms are now easily accepted in our society.  They are even sometimes called the new heroes of our time, singlehandedly raising their children while working for a living at the same time.  Everyone knows how hard it is raising a child, even for a married couple.  That’s why a lot of people are seeing single moms in a new light.  Just think about all the sacrifices and hardships that they have to endure.  Think about their love for their children.

But personally, I believe na hindi dapat pagdaanan ng mga babae ang ganitong sitwasyon at paghihirap.  Ang pagtataguyod ng pamilya ay hindi para sa isang tao lang.  Kailangan ang pagtutulungan ng isang nanay at isang tatay.  Pero sino ba ang may kasalanan?  Well, wala ako sa posisyon para humusga.  Ang maipapayo ko lang, maging maingat.  I don’t think na may makakapigil sa kapusukan ng mga kabataan – gobyerno, simbahan, pamilya – hindi nila ito mapipigilan.  Sabi nga ng isang katrabaho ko, “Everybody’s doing it, why not me?”   Lalo na sa mga nagtatrabaho sa call center.  Nakakapagbigay kasi ng feeling of independence kapag kumikita ka ng malaki.  Nakakaliberate.  Kaya if you can’t say no, then you should be careful and be responsible.

Mahirap talaga maging single mom.  Pero para sa kanilang mga anak, kahit ano kakayanin.  Minsan nga ayaw na nilang mag-asawa dahil masaya na sila sa kanilang buhay kasama ang kanilang mga anak.  Tunay na mga bayani nga sila.

10 thoughts on “Bakit ang Daming Single Mom sa Call Center?

  1. iba iba talaga ang dahilan ng mga single moms pero nakikita ko, it’s because this industry is very diverse and open ang lahat to almost anything. maganda rin ang benefits at pag night shift ka, pwede ka pa magspend ng time with ur kids.

  2. let us tackle this subject:
    for one, yes single women who raised their kids all by their own are considered incredibly amazing, however, women must not go through this lonely episode in their lives. They should not give in until they are sure that the guy they hooked up with is committed enough to stay in the relationship!
    -that’s why being friends first helps a lot in knowing the type of person you are bound to commit yourself into.
    -Self-control is very important, think of yourself and your future first before you dive into the deepest ocean!
    -If you know what you want, you will get it by saying that, if you know you will commit a mistake, never ever do it!
    -No one is a victim of circumstance, it is THEM who put themselves in that circumstance because they probably are not strong enough to handle such situations, because of fear, rejection etc.
    -A mistake is called mistake if the person itself make it happen, if you don’t then you wouldn’t make a mistake!
    -Now if that happens, you always have an option either to go ahead with what life has offered you, or get yourself sink into depression and let go of yourself. Better stand up and live life to the fullest, remembering to not make the SAME MISTAKES again!

    I am in control of my life, and I am happy !! wish all women can be as strong as me!

  3. Agree ako sa inyo…

    Pero ‘lam niyo ba na may 7 extra vls na sure slot pa ang mga single moms, may iba pang benefits na para lang din sa kanila. Sa call center companies nga lang ata ito…

  4. Let me quote this:
    “Kaya if you can’t say no, then you should be careful and be responsible.”
    Tama ka dun chief! (wink)
    Marts, balik sms na ako dude! Yaha!😀

  5. may special benefit naman ang pagiging single parent.. 7 days of solo parent leave good for one year. At dahil government benefit ito, andami mo pang kailangan na kunin.

    Oh well. Martin, natuwa naman ako sa blog mo. Oo, mahirap maging single mom pero aaminin kong kasalanan ko rin naman ang pagkakaron ng anak ng wala sa tamang oras e. Sa ngayon ang tanging ginagawa ko ay ang pagbutihin at ayusin ang anumang natira as buhay ko, and as much as possible, remind people what safe sex is all about.
    🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s