Mga TDOs: Tao Din Ba Sila?

TDOs (Training Development Officers), Supervisors, Seniors.  Ilan lang ito sa mga tawag sa kanila.  Palakad-lakad sa Floor na parang mga taga MMDA.  Huhulihin ka kapag may nakitang violation.  Pero andyan din naman sila pag kailangan mo sila.  Mga prank callers, mga nagmumurang callers, aba, itransfer yan sa mga TDOs.  Mas mabuting sila ang murahin kesa ako. Hehehe!

These friendly, and not so friendly, TDOs come in different shapes and sizes.  May mga super bait, super sungit, super tahimik, super bading, super power tripper, super manyak, at kung anu-ano pang super.  Minsan nakakatuwa.  Minsan nakakainis.  Pero ganyan naman talaga kahit saan.  Iba-iba ang pinanggalingan, iba-iba ang ugali.  Talagang meron kang hindi makakasundo.

Anuman ang isipin at damdamin ng isa tungkol sa kanilang mga TDOs/Supervisors, isa ang hindi maipagkakaila:  they are there to give support.  They can help us out with queries that we haven’t encountered yet.  They can give us helpful tips and tricks to be more efficient with our jobs.  They can encourage and guide us.  They can take the calls that we can’t handle.

Meron akong naririnig, may mga TDOs daw na malalaki ang ulo.  Bakit kaya?  May hydrocephalus ba sila?  Kidding aside, minsan kailangan lang silang intindihin.  Kung nasita ka at nahuli dahil sa isang violation, kasalanan mo yun.  Hindi naman nagpa-power trip ang isang TDO kung ginagawa lang niya ang mga duties niya.  Pero meron din naman talagang nagpa-power trip paminsan-minsan.  Minsan may mga nagagalit sa’yo o pagtatawanan ka pag may hindi ka alam.  May mga naiinis sa’yo pag tanong ka ng tanong.  May mga may favoritism.  May parang allergic sa’yo at ayaw kang lapitan.  Well, ganyan talaga. Gaya nga ng title ng post na ito, tao din lang naman ang mga TDO.  Isipin mo na lang na ginagawa mo ang trabaho mo at sila hindi.

Buti na lang konti lang ang ganitong mga TDO/Supervisor.  Buti na lang mababait ang mga TDO sa’min (wow ang sipsip ko naman!).

Mga TDO/Supervisors/Seniors, kayo naman ang magcomment.  Tao nga ba kayo?

13 thoughts on “Mga TDOs: Tao Din Ba Sila?

  1. Hindi ako TDO pero magcocomment ako: lol
    Oo nga dude tama ka, remember yung time nung nagApply tayo for TDO? Funny! Kaya alam ko na tao rin sila, tao ako nung nagApply ako eh…
    Nice blog Marts, more power! ;)))

  2. Hindi ako TDO pero magcocomment ako: lol
    Oo nga dude tama ka, remember yung time nung nagApply tayo for TDO? Funny! Kaya alam ko na tao rin sila, tao ako nung nagApply ako eh…
    Nice blog Marts, more power! ))

  3. bagay na comment jan ang winner at punchline naming mga TDOs na pati mga CSRs nahawa na:

    Yes??? GRABE DIN!

    uo tao din kame, may puso. kala nyo lang wala…pero meron meron meron!!!

    ahahaha. in fariness, ang tagal kong hinintay tong article mu na to ah. nice!

  4. Da Who? ang TDO na palakad lakad lang siya, parang laging nakadown kung hindi naglalakad kasi ayaw ata magtake ng transfer?😛

  5. Let’s put it this way:
    Nung CSR pa lang ako, mataas na ang pagtingin ko sa kanila (siyempre, sila yung nakatayo at ako yung nakaupo, e [pre, ang daming sub-meanings niyan]).
    Sila yung parating tumatakbo, ngarag, at kaharap ang mga callers at their worst. Sa pag-aayos ng foor, parang mas madali pa raw mag-organize ng isang orgy ng mga elepante.
    And they’re doing it for, let’s face it, less money.

    Kaya nga nainsecure akong magpapromote, e. Parang ang laki ng responsibilities nila at di ko alam kung kakayanin ko.

    These days, I admit, really, I find myself lacking. Wala pa ako sa kalingkingan ng mga TDO’s na nakilala at hinangaan sa Makati and Sta Rosa.
    But I’m still learning. And trying.

    I guess yun din ang burden at appeal ng mga TDO e. Pag lumapit sa kanila nay may problema, dala nila yung aura na nagsasabi na “I’ll see what I can do.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s