Bakit Laging Tulala Ang Mga Workforce Monitor?

Workforce Monitor, QDesk, Intraday.  Ilan lang ito sa mga tawag sa kanila.  Pero anuman ang itawag mo sa kanila, iisa lang ang tiyak.  Lahat sila ay nakatulala sa kani-kanilang mga monitors.  Minsan ay sasagot ng telepono pero ang mga mata ay nakapako pa din sa computer.  Kapag nilapitan mo nga para magtanong, ni hindi ka man lang lilingunin.  Parang bawal na nga ata kumurap.  Naalala ko tuloy minsan sa amin ay may nag-apply upang maging Workforce Monitor.  Tinanong siya kung alam daw ba niya ang trabaho ng isang WF Monitor.  Ang sagot niya, “Yes.  They stare at their computers all day.”  Tama naman siya, di ba.

Bilang isang WF Monitor, tinitingnan nila ang pasok ng calls minu-minuto, oras-oras, araw-araw, linggo-linggo, buwan-buwan, at taon-taon.  Ang mga call centers kasi ay may tinatawag na Service Levels o yung standards na kailangan nilang ma-meet, usually monthly.  For example, kailangan masagot at maprocess ng isang call center ang 97% ng lahat ng tumatawag sa kanila.  Ito ay kailangang magawa sa mabilis at maayos na paraan.  Kaya todo bantay ang mga WF Monitor kung bababa ba sila sa Sevice Levels.  Kung sobrang dami ng calls at hindi na kaya ng mga CSRs, kailangang magtawag ng support para magcalls din (usually mga supervisors/seniors/TDOs at TL/TM).  Pag kulang talaga ang tao, kailangang magrecruit sila ng OT.  Sila din ang nag-aaprove ng leave base sa forecast nila kung marami ba ang calls in a given day or week.  Ganun din naman kung wala masyadong calls at maraming agents ang nakalog-in, hindi na efficient ang kompanya.  Kaya kailangan ding magpauwi (YEHEEEYYYY!!!).

Ilan lang iyan sa mga trabaho nila araw-araw. Marami pa silang ginagawa, gaya ng paghaharvest, pag-approve ng neighbor request, panonood ng “Nobody, Nobody Like You” sa Youtube, pagbasa ng tsismis sa Perez Hilton, at kung anu-ano pa (hehehe!).  Kaya huwag ka ng magtataka kung bakit tulala sa computer ang mga WF Monitors.

Iniimbitahan ko ang lahat ng WF Monitors sa i-share naman sa amin ang iba pa nilang ginagawa, at kung sumasakit ba ang kanilang mga mata sa kanilang trabaho.

4 thoughts on “Bakit Laging Tulala Ang Mga Workforce Monitor?

  1. Bukod sa pagharvest, binabantayan din namin ang bahay namin mula sa mga Zombies. hahaha!

    On Topic: to sum it all up, WF people makes sure that all people are at the right place at the right time.

  2. hehehe, nakakatuwa naman, parang ganyan din ang work namin, pati yung lunch break, instead na 1hr eh nagiging paspasang kain then akyat na naman, amfness… lol….. di ako WF pero parang ganyan work namin…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s