MagRe-Resign Ka Ba?

Tapos na ang Pasko at Bagong Taon.  Naibigay na din ang mga bonus at 13th month pay.  Marami tuloy ang inaatake ng katamaran dahil start na uli ng taon.  Kumbaga, back to zero ulit.  Ang resulta, resignation.  At siyempre, kasunod nito ang isang phenomenon na kung tawagin ay “Call Center Hopping”.

Most call center agents are in their early twenties.  Most are still living with their parents.  Most of them are just working for their own money (according to a survey conducted by Imaginary Friends in 2009, hehe).  Because of these (imaginary) facts, most call center agents don’t feel the need to have a stable job.  In their minds, they can always transfer to a different center whenever they like.

An agent can and will resign for a lot of reasons; some of them are just plain ridiculous.  Some people don’t like their TLs/Managers/Supervisors.  Some people don’t like their teammates.  Some people get discouraged by the insults they hear everyday from their callers.  Some people can’t really work under a boss/superior.  Some people can’t work under pressure and easily get stressed.  Some people can’t talk continuously for 8 hours a day, 5 days a week.  Some people can’t do the graveyard shift.  Some people can’t work on holidays.  Some people…well, some people are just plain whiners.

Kaya, anong gagawin nila?  Resign siyempre!  After a month, apply-apply ulit.  Siguro dahil na din sa dami ng call centers dito sa atin, at parami pa ng parami ang nagbubukas.  Mas malaki pa ang offer pag mas tenured ka na.  Hindi mo din naman sila masisisi.  Ano ba ang meron pag nagtagal ka sa isang call center?  May pension ka bang matatanggap (sa ibang call center ata may retirement package pero mabibilang mo lang sila sa daliri ng iyong kamay)?  Sa aming center nakatanggap, ako ng loyalty award noong 5th year ko and P3,000.  Tanong ko nga din, ano pa ba ang meron? Paano sa 8th year ko? sa 10th year?  Well, kahit ako hindi ko alam ang sagot.  Hindi ko din alam kung paano at bakit ako nakatagal sa center namin.  Siguro darating din ang panahon na magreresign ako.  O kung susuwertihin ay magkakaroon din kami ng retirement package.  Hay.  Sana naman.

Kayo, may balak ba kayong magresign?  Share niyo naman ang inyong mga dahilan.  Promise secret lang natin ito.

24 thoughts on “MagRe-Resign Ka Ba?

  1. “Some people are just plain whiners.” * TRUE Marts!!!!! At nakakahawa pa yan noh!!! Parang epidemya!!! Kaya ako pag may whiner in sight, nilalayasan ko kagad baka mahawa pa ako… ahaha:D
    In my four years of stay with INFO/kgb_, nakilala ko na rin ang lahat ng clase ng agents dyan sa industry na yan! Dyan, di ka pwedeng hindi flexible, in all mere sense of it! Dahil kung hindi, susuko ka kagad! Promise!!! Ahaha😀

  2. Hmmm, ang hirap naman ng tanong mo, ha ha ha. Balak kong magresign, kasi gusto ko ng lumagay sa tahimik. Pero sa tingin ko, kakailanganin ko pa ang mumunting kinikita ko dito para malagay talaga sa tahimik, kung hindi, gugulo lang ang buhay ko, ahihihi.

    Masaya naman dito sa office namin, kulang nga lang sa growth, pero sana this year magkaroon na. May balak naman akong bumalik nalang sa dati kong work sa probinsya, baka mas okay ako doon. Mas malapit, mas less ang gastos. Unlike dito sa QC, pamasahe palang tumataginting na 200 na ang nagagastos ko.

  3. Madali nga mag resign at mag apply ulit sa ibang center pero pag inisip mo ang haba-haba na naman ng process para sa mga new hire ‘sang tambak na requirements at simula ka na naman sa simula – bagong pakikisama, pakikibagay at pag aadjust… kaya ‘di rin talaga madali mag resign at mag apply ulit.

  4. nice post…
    ako din magreresign na pero hindi dahil sa ayaw mo sa trabaho ko, kundi dahil pinapauwi na ako ng tatay ko para magbantay sa tindahan niya. *lol*

  5. yap, balak ko na din mag resign, politika na nangyayari sa company namin. twas good before, kaso binili na ng ibang center,ayun pumangit na. tenured nako, mahirap umalis dahil sa sweldo. oo marami ngang callcenter, pero halos sa manila lahat. pano na dito sa Pampanga? oh well…

  6. natuwa naman ako sa post mong ito. dumaan din kasi ako sa sinasabing call center hopping. ginawa ko kung ano ang sa tingin ko ang makakapag papaligaya sa ‘kin.

    mahirap maging agent. aside sa naiiba ang body rythms mo, marami pang gustong humila sa ‘yo pababa dahil sa atmosphere ng competition. at yung magagaling lang ang may rewards.

    totoong mahirap maghanap ng trabaho pero kung sasabayan mo ng tyaga, pasensya, dedikasyon at pananampalataya ang tamang diskarte mo, siguradong may patutunguhan kang trabahong mamahalin mo at mamahalin ka.

    If I stayed longer, I wouldn’t only have wasted my time but also miss my golden opportunity to run a company like what I’m happily doing now. =)

  7. i’m still split with that decision.. gusto ko na kc nakakasawa na.. ayaw ko kc dahil madami pa ako tinutulungan sa hauz…. sa ngaun, nagresign na ung 2 kapatid ko kaya nde na ako makapagresign… kung tumama ba ako sa lotto eh wla na icp-icp pa… resign agad… heheh.

    lolx

  8. yup plano ko na ding magresign, ngayong naka isang taon na ako sa work at may VL credits na, pwede na siguro… sabi kasi ng mga mas tenured macoconvert ang sampung SL at sampung VLs. hehehe… magreresign ako kasi parang gumugulo na yung management ng account namin…

    everyday day may nagreresign… and next month the company should expect a massive resignation dahil sa ginawa nila sa schedules namin, mantakin nyo… 6 days of work isa lang and RD, tas 8 hours of taking calls with only 30 minutes lunch? wtf!

  9. I’m not in a call center industry pero malapit lapit na. Nurse kasi ako at matagal ng di nakakahanap ng trabaho. May edad na rin ako kaya in my opinion hindi talaga maganda ang palipat lipat sa trabaho.

    Kaya lang sa nakikita ko at nababasa ko sa inyo, isa isahin natin. Ipagpapalti ang call center work para magbantay ng tindahan, lalagay sa tahimik etc. The main reason kung bakit nagreresign ang mga call center agents is the lack of opportunities to grow. Feeling nila, hindi sila uunlad sa ganitong trabaho. In short, WALANG FUTURE which is absolutely correct. Politics and working environment – common na yan sa office world.

    I think most agents would agree na their not getting what they derserve. Sa states, almost 8$ an hr or 65$ a day, so malaki ang tipid nila nung nagbukas sila dito. Kaya dapat sana increase nila ang salary ng agents pati HMO package. Yan din ang reason kung bakit uso ngaun ang call center hopping. Syempre dun ka sa mas malaking sweldo.

    But I think in the future, companies will have no choice but to increase their wages. Lumalaki ang competition dahil maraming nagbubukas, pero di naman dumarami ang labor force kasi bumababa nga ang english proficiency ng mga pinoy eh kaya hopefully in the future gumanda ang situation.

    • egsakto!!!!
      minsan nga naiisip ko mga call center agents parang mga factory workers din. kumbaga simpleng trabahador lang. pero ganyan talaga ang life.

      tnx sa visit and comment!!!

  10. aqo nag resigned na… d dahil sa ayaw qo ang mga kasama qo.. pero dahil bulok ang management. san ka ba nakakita ng promotion na ok na… tpos pinaalam na sa lahat pero hanggang neun ang sweldo mo at position mo formally d pa nababago? 5 mos. na… at ang napopromote lng eh ung pinakaboss nyo.. in just a yr, from Sr. TL naging SOM na… 2 promotions.. oh dba? ehehe

  11. well ako ewn ko lng tlga if ttgal pa ko december.. burn out nako.. often times kasi pag.nandito ka sa work natoh you feel like each day nagiging bobo ka and useless. you like time to family and God. plus you feel uncomfortble things inside (sigh huhu patay ang health teh ♪♪♫

  12. Pingback: 2010 in Review « Buhay Call Center

  13. ako walang dahilan para magresign..i really love my job
    as if it was a dream come true….way back three years ago
    nakapila sa mahabang linya ng mga aplikante hoping na makapasa
    but eventually hindi…hehehe

    pero now masaya naman.. i have the best team..tl’s..sup and management
    plus the perks and privelege etc.
    and last my promotion hikhikhik…

    ACCENTURE AMERICAN EXPRESS RULES!!!

    • ok naman kapag maganda ang account tapos the best pa ang management at team mo. sa amin din dati ang saya, the best, kaso ngayon…. ay hindi ko na nga lang itutuloy baka mabasa pa ng mga big boss sa min! hehehe!

  14. well ako magreresign na mga march 2012. bakit? kasi epal yung boss ko, impakta sia ultimo pag nalate ka itatanong sayo “may dala kang paper na nagpapatunay na nahospital lola mo?” bweset na yun 5 yrs na ako sa call center industry kung makapagtanong eh kala mo walang tiwala at di lang yan pinagbabawalan pa kami mag bathroom break. ang hirap sa call centers ginagawa tayong mga robot. mga animal na OPERATIONS MANAGERS/DIVISIONS MANAGERS eh di man lang magtake ng calls, sila kaya magreceive ng tawag ng sila naman ang mamura ng mga clients. tapos itatanong sau “bakit bagsak stats mo” bakit kontrolado ba namin kung ipapasa kami ng mga clients na yan sa survey? hindi balanse buhay ko sa company ko now, nasira buhay ko. dati hunk ako sobrang cute now tumaba na, pano nakaka stress. kaya bago masira ang buhay ko aalis na ako. ayoko magtapos sa call center ang life ko. alam ko madami pang good job na pwede pasukan dyan. ayoko na nakaka drain kasi, ultimo pag tulog ko letseng script ng welcoming spiel mo yung sasabihin mo. KAYA PWEDE BA CHASE MAGBAGO BAGO NA KAU HMPPP.

  15. kaya ako first week palang nang training ko pagkatpos di na ako bumalik..nakaka stress talaga lalo na pag irate kausap mo..wow sobra pa sa nanay mo kung magalit..hehehe..aanihin mo malaki sweldo bagsak nman katawan mo…

  16. First call center job ko din. Two weeks pa lang ng communications training binabangungot na ko tuwing matutulog. Ni minsan di pa nangyari sa kin ang bangungutin nito lang pumasok na ko sa center. Laging may nightmare ako hanggang umabot ako ng mahigit 2 buwan sa training. Hanggang di ko na matagalan. Hindi na ko pumasok.😦

  17. At last! nakakita rin ako ng saktong page na hinahanap ko.
    I just passed my notice yesterday to render my last 30-days sa company ko. Katulad ng mga naunag reason, primary cause is stress, primary lang yun, so may secondary, tertiary and so on pa. I have nothing against my company, in fact, I consider it as one of the best so far (Nakakadalawa pa lang naman ako since 2011), kanya-kanyang flaws lang talaga yan minsan.
    Masaya sa call center kung hindi mo masyadong iisipin ang stress, pagod at hirap. Pero bilang tao (hindi robot), syempre may choice tayo para pagsikapan kung anong gusto nating maabot. Malay ba natin, tulay pala ang pagiging call center agent mo ngayon para makuha mo kung ano ang pangarap mo. Kaya sa lahat ng nagtitiis makipagusap sa mga kano, sa mga nagpapaka-expert sa bagay na hindi ka naman talaga expert, sa mga naiinis na sa panggigisa ng mga boss…MABUHAY TAYO!

    Villar para sa Senado! HAHA *Loko lang.

    Nagtalumpati na yata ako.

  18. Hayyyy naku plano q na rin mag resign. But then I’m still waiting for them for me to be evaluated ang baba ng stats q most of them are detractors and uncontrollable calls, and am so tired lifting up my hands looking for a supervisor during sup call. Haist!!! I was just thinking if I still have a future in this kind of industry because it’s really tiring especially the sched super hectic. And when it comes to salary of course no work no pay. Bawal ma late at bawal umabsent. Kung aabsent ka naman you need to have your med cert ASAP. Hayyy ewan ko ba.,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s