2010: Year of the Tiger…Katol!

According to the Chinese Calendar, 2010 is the Year of the Tiger.  Predictions are made here and there on how to be lucky and prosperous.   You can also find tips on how to have a very rosy love life this year.  One can even find out what colors one should not wear and what numbers will bring luck.

Well, hindi tayo pahuhuli!  Meron din tayong special horoscope para sa mga call center agents diyan.  Paano ba susuwertihin ngayong taon?  Lilipat ka ba sa ibang kompanya?  Kamusta naman ang love life mo?  Halina’t silipin ang ating kapalaran!

ARIES

Huwag kakalimutang maligo kapag ikaw ay ma-lalate na.  Mas mahalaga ang personal na kalinisan kaysa sa attendance.  Matulog ka kasi ng maaga at bawas-bawasan ang kaka-Facebook.  Lucky color: Super Blue.  Lucky Number: 23

TAURUS

Bawas-bawasan ang pag-CR at pagpetiks sa trabaho.  Baka masuspinde ka dahil bagsak ang iyong productivity/adherence.  Sabagay, yun naman talaga ang gusto mo dahil may ticket ka na papuntang Boracay.  Lucky color: Animalistic Purple.  Lucky number: -99.

GEMINI

Iwasan ang masyadong pagkain sa mga fast food pag lunch mo na.  Huwag naman puro KFC, Jollibee, at Mcdo ang kainan mo.  Meron naman diyan JollyJeep sa tabi-tabi.  Mura pa ang pagkain.  Siguraduhin lang na hindi masisira ang tiyan mo.  Lucky Color: Gay Green.  Lucky Number: 999

CANCER

Huwag mong masyadong pakatitigan ang crush mo sa floor.  Mahuhuli ka ng supervisor mo na nagda-daydream.  Baka masuspinde ka pa at hindi mo siya makikita ng dalawang linggo.  Magfocus ka sa calls mo at titigan mo na lang siya sa pantry pag lunch niyo na.  Lucky color:  Anthropomorphic red.  Lucky Number: 14344

LEO

Huwag matutulog habang nagca-calls.  Pagtatawanan ka tuloy ng mga kateam-mates mo dahil may muta ang mga mata mo.  Lucky color:  Evil Yellow.  Lucky Number: 2,456,887,112

VIRGO

Bawas-bawasan ang pagiging irate sa callers ngayong taon.  Kawawa naman ang mga keyboard sa floor ninyo dahil lagi mong hinahampas.  Nawawala na tuloy ang Enter Key sa ibang keyboard.  Lucky color: Rage Red.  Lucky Number: 666.

LIBRA

Magiging malakas ang benta mong mga accessories at kung anu-ano pa.  Pwede ka nang mag-expand at magbenta na din ng mga pagkain at kakanin.  Lucky color: Hungry Gray.  Lucky Number: $$$

SCORPIO

Bawas-bawasan ang pag-inom ng kape sa trabaho.  Alam kong libre iyan ngunit magtira ka naman sa iba.  Nag-increase tuloy ang budget ng kompanya nyo para sa kape dahil mabilis mo nauubos ang supply.  Lucky Color: Coffee Brown.  Lucky Number: 0

SAGITTARIUS

Bawasan ang kakayosi pag break mo ngayong taon.  Tutal naman hindi ka bumibili.  Nanghihingi ka lang sa mga ka-teammates mo.  Lucky Color: Smoke Blue.  Lucky Number: 69.

CAPRICORN

Maglinis ng tenga tuwing pagkatapos maligo.  Medyo makapal na ang tutuli mo at hindi mo na marinig ang mga callers mo.  Lucky Color:  Booger Green.  Lucky Number: 007.

AQUARIUS

Magiging masuwerte ka ngayong taon.  Magkakaroon ng system issue ang log-in ID mo kaya hindi ka makakapagcalls.  Mapipilitan ka tuloy pauwiin ng management.  Lucky color: Drunken Indigo.  Lucky Number: 777.

PISCES

Hindi para sa iyo ang horoscope na ito dahil masisisante ka.  Pang-call center agents lang kasi ang horoscope na ito.  Kumain ng 3 cauliflower at mag-rosaryo upang makaiwas sa kapalarang ito. Heavy Orange.  Lucky number: E=mc2.

O ayan, sana suwertihin tayo sa 2010.  Go!  Go!  Go!

Note:  Huwag sisinghutin ang Tiger Katol.  Baka maadik.

10 thoughts on “2010: Year of the Tiger…Katol!

  1. Ang saya naman nito! Sana magkatotoo yung akin pwede kaya 1yr na sys issue; ‘di kaya iterm na lang ako kasi malas naman ako para sa company?!? Hehe.

  2. this is very funny and interesting martin! i love it bakit mu kailangang idikit ang pangalan ko kay david? I love the horoscope. 23 kaya yung laging number na nakukuha ko

  3. Ahaha!! Gemini ako, sapul yung horoscope ko!!! Kaya nananaba! Martin pre, nakalimutan mo yung pares natin nila Mel! Ahahaha!!!😀

  4. actually,pisces are the luckiest zodiacs this year.
    so,
    go pisces!!! be smelly and get really wet!!
    we love it martin!!

    gwen uk91

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s