Papasok ka ba sa Bagong Taon?

Bisperas ng Bagong Taon.  Masayang kumakain at nag-iinuman ang mga kasama mo sa bahay.  Maraming nagpapaputok.  Habang palapit ng palapit ang alas dose ay lalo kang nakakaramdam ng matinding katamaran sa pagpasok.  Kung iisipin ay baka wala ka rin naman masakyan.  Ano ang gagawin mo?  Ano pa ba e di umabsent!

Different call centers have different sanctions regarding absences especially on critical days such as Christmas and New Year.  May nagbibigay ng Corrective Action, Final Warning, may nagsususpend ng CSRs,  at kung anu-ano pa.  Pero para sa maraming tenured CSRs, wala silang pakialam kung ano man ang iissue sa kanila ng management.  Magfa-fall off din naman ito after several months.

Isang araw nagkakuwentuhan kami ng mga teammates ko kung ano ang magandang palusot kung aabsent kami sa Bisperas ng Bagong Taon.   Narito ang ilan sa mga naisip namin:

  • Nakulam o sinasapian ng masamang ispiritu.
  • Naputukan ng lucis.
  • Hindi makaligo dahil walang tubig.
  • May riot sa tapat ng bahay mo.
  • Hindi pinayagan ng doktor na pumasok dahil sa isang medical condition na kung tawagin ay intoxication.
  • Hindi nagising (talaga?)
  • Nakagat ng hamster.
  • Tinaningan ng doktor kaya “you’d rather spend the last day of your life with your family”.
  • Nakasalubong ng itim na pusa sa daan.
  • Maaaksidente daw ngayon sabi ng horoscope mo.
  • Natatakot lumabas dahil malakas ang putukan.
  • Na-usog, na-nuno, o namatanda.
  • Hindi makakapasok kasi may nagflash ng Batman sign (siya pala si Batman)

Ilan lang ito sa mga kalokohang dahilan na naisip namin.  Pili ka na kung balak mong umabsent sa 31.  Magpost din kayo ng mga kwela niyong dahilan.

Happy New Year!

14 thoughts on “Papasok ka ba sa Bagong Taon?

  1. Hola Martin ma friend! Di ko alam na nagbblog-ka na pala! Ahaha this is nice stuff! Maglagay ka ng Google-ads dito para mapagkakitaan mo ‘to tsaka to build-up traffic! Carry-on this is good stuff!!! Cheers!😉
    Pwede ba ako mag-post ng ad dito? AHaha;)

  2. I remember one reason heehee kilala nyo na yon UK91 pasok na dito yung nagkasunog daw sa kapit-bahay nila tapos nabagok yun ulo nya tapos malaman mo sa team-mate mo na kapit-bahay nya din wala naman pala sunog

  3. follow up pinapupunta ni TL sa Doctor para kung anu man mabigyan ng LOA para makapagpahinga at makapagpakita ng medcert di naman pala nabagok yung ulo, nababaliw na pala… sa pag-ibig makapagdahilan lang…

  4. nice post sir! pwede po ba’ng magamit ang mga palusot na ‘to kahit hindi ako sa call center nagwo-work? hehehe.. idagdag nyo na rin po yung L.B.M. (Looking for Better Management)! hehehe..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s