Susuwertihin Ka Ba sa 2011 Year of the Rabbit?

Ayon sa mga Chinese Astrologers, ang 2011 daw ay Year of the Metal Rabbit.  Kung anuman ang kahalagahan nito sa pang-araw-araw na buhay ng mga call center agents ay walang nakakaalam. Bakit kasi puro artista at sikat na tao na lamang ang hinuhulaan ng mga astrologers at feng shui masters? Bakit wala akong naririnig na hula tungkol sa mga call center? Hindi ba nila alam na mas marami ang call center agents kaysa sa mga artista? Marami tuloy ang naliligaw ng landas dahil walang gumagabay sa kanila.

Huwag kayong mangamba. Dahil sa pagmamalasakit ko sa inyo ay pinilit kong basahin ang mga bituin sa kalawakan gamit ang teleskopyo ni Mang Ispe. At narito, narito ang mahahalagang gabay para sa mga call center agents sa taong 2011…

Aries
Makakamit mo na rin ang pinakamimithi mong promotion. Matagal-tagal ka ring naghintay at sumipsip sa mga big boss niyo. Sa wakas, mapro-promote ka na ngayong January. Sa kasamaang palad, maba-bankrupt at magsasara ang inyong kompanya sa February.

Taurus
Susuwertihin ka sa negosyo ngayong 2011. Mag-eexpand ang iyong business. Hindi na Natasha, Dakki, at Forever Living Products ang ibebenta mo. Simula ngayon 2011, ecstasy, shabu, at marijuana na ang ikakalakal mo, dakilang drug lord.

Gemini
Matutupad na din ang pangarap mong makakuha ng isang home-based na trabaho na non-voice pa! Huwag ka na lang magugulat kung ang dresscode ay “No Dress Policy.” Smile ka na lang sa webcam!

Cancer
Makapagtatayo ka na ng isang malaking electronics shop. Salamat sa mga gamit sa inyong opisina na naitakas mo at nakulimbat tulad ng mg CPU, monitor, mouse, keyboard, projector, flash drive, DVD Player, Metal Detector ni Manong Guard, at kung anu-ano pa. Samahan pa ng mga pakete ng kape, ice tea, at chocolate drink.

Leo
Makapagreresign ka na rin sa wakas sa pinagtatrabahuhan mo. Maraming taon ka na ring nagtitiis sa management niyong bulok, mababang pasuweldo, toxic at heavy workload na trabaho, at makukulit at racist na callers. Huwag ka na nga lang magtataka kung ilang taon ka ring mababakante, walang trabaho, at palamunin ng nanay at tatay mo.

Virgo
Huwag kang mahihiya kapag inaasar ka ng mga ka-team mo at TL mo tungkol sa dalawang ngipin mo sa unahan na naglalakihan. Year of the rabbit ngayon kaya tiyak na susuwertehin ka! Puwede ka ring magsuot ng braces para siguradong metal rabbit ang dating mo!

Libra
Mag-iincrease na rin sa wakas ang sahod ninyo! Matagal mo na rin itong ipinagdasal kay Lord. Kaya’t laking pagtataka mo kung bakit ngayon niya ito dininig gayong kare-resign mo lang kahapon.

Scorpio
Malas ang taon na ito para sa iyo. Mahihinuha ito sa kalipunan ng enerhiya mula sa mga tala at sa lakas ng batubalani ng buwan na siyang bubugso at magdudukal sa lupon ng kamalasan na mang-uupat ng hindi maganda. Gets niyo? Ako hindi!

Sagittarius
Sukdulan ang kamalasang mararanasan mo ngayong 2011. Ngunit huwag mag-alala, may pangontra sa malas. Ang kailangan mo lang gawin ay kumain araw-araw ng siopao na ang palaman ay rabbit.

Capricorn
Dahil Year of the Metal Rabbit ngayon, matatalo na rin ng tropa mo sa paastigan ang mga kalaban niyong mga HipHop na baduy, walang kuwentang Jejemon, at mga weirdong Emo. Mabuhay ang mga Metal!!!

Aquarius
Suwerte at malas ka ngayong taon na ito. Suwerte dahil tatama ka sa lotto. Mapapanalunan mo ang jackpot price na P991 million pesos at mag-isa ka lang mananalo. Malas dahil hindi naman totoo ang horoscope na ito at puro kalokohan lamang.

Pisces
Hindi ka suwerte sa pananalapi ngayong taong ito. Hindi mo mamamalayan na ubos na pala ang pera mo. Para maiwasan ito, bisitahin mo lang ang blog na ito araw-araw para matanggal ang ispiritu ng malas.

6 thoughts on “Susuwertihin Ka Ba sa 2011 Year of the Rabbit?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s